Nauwi sa cool-off ang pagsasama ng mag-asawa sa Palapag, Northern Samar matapos habulin ng itak ng misis ang kaniyang mister.
Ayon sa mga ulat, nakuhanan ng isang concerned citizen ang pagkaripas ng takbo ng lalaki kasunod ang kaniyang misis na may dalang itak.
Masuwere umano ang mister dahil may dalawa pang lalaki na nakasunod sa kaniyang misis na pawang mga umawat sa paghabol sa kaniya.
Ilang mga kapitbahay din nila ang napalabas sa kani-kanilang mga tirahan para makiusisa sa eksena ng nasabing mag-asawa.
Samantala, hindi pa tukoy kung ano ang motibo sa likod ng marahas na paghabol ng misis sa kaniyang mister.
Napag-alaman namang nagdesisyon na lang silang dalawang magpalamig muna matapos ang insidente. May limang anak ang mag-asawa.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa umano umuuwi sa kanilang tahanan ang naturang mister.