Nagbaba ng abiso ang Beep kaugnay sa pansamantalang suspensyon sa pag-iisyu ng kanilang reloadable contactless smart card.
Sa latest Facebook post ng Beep nitong Sabado, Disyembre 21, sinabi niilang pansamantalang sinuspinde ang Concessionary Card Issuance Program (CCIP) para bigyang daan ang system maintenance habang holiday season.
Mag-uumpisa ang suspensyon mula Disymebre 22, 2025 hanggang Enero 4, 2026.
“We will resume beep card issuance at the stations by Monday, January 5, 2026. Please stand by for further announcements,” anila.
Sa huli, nagpasalamat ang beep sa patuloy na suporta at pakikiisa ng mga komyuter kasabay ng pagbati para sa para sa Pasko at parating na Bagong Taon.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang libreng sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 na programa ng Department of Transportation (DOTr) bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Fedinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Layunin nito na maipadama sa mga komyuter ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng mas pinadali, ligtas, at komportableng pagbiyahe.
MAKI-BALITA: '12 days of Christmas' ng DOTr, idadaan sa libreng sakay sa LRT-1, 2 at MRT-3