December 21, 2025

Home SHOWBIZ

Muntik maoperahan! Carlo Aquino, bumagsak ang kalusugan

Muntik maoperahan! Carlo Aquino, bumagsak ang kalusugan
Photo Courtesy: Carlo Aquino (FB)

Isiniwalat ni “Bar Boys: After School” star Carlo Aquino ang konidyon ng kaniyang kalusugan noong mga nakalipas na buwan.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Linggo, Disyembre 21, sinabi umano ni Carlo na bumagsak umano ang kalusugan niya matapos ang halos sabay-sabay na proyekto sa telebisyon at pelikula.

“Muntik na [ma-operahan] kasi no’ng ginagawa namin itong pelikula na ito, actually halos sabay-sabay kasi ako this year, ‘yong ‘It’s Okay To Not Be Okay,’ ‘yong ‘The Time That Remains,’ ‘yong Bar Boys, tapos may pelikula kami ni Bela [Padilla] which is next year po ‘ata, sa March,” lahad ni Carlo.

Dagdag pa niya, [P]arang nag-decline ‘yong health ko and nakakita sila ng parang bara sa puso ko. They had to check. Fortunately, hindi kailangan ng stent but siyempre nangayayat ako. Ngayon nakakabalik-balik na. Medyo humealthy na ulit kahit papaano."

Relasyon at Hiwalayan

Albie Casiño, engaged na sa non-showbiz girlfriend

Ngunit inamin ni Carlo na marami na raw siyang maintenance para sa cholesterol at high blood. Kaya naman unti-unti na rin niyang inalis ang mga bisyo sa kaniyang katawan tulad ng pagkonsumo ng vape.

Aniya, “Ang pinaka-bisyo ko na lang talaga ngayon is kape. And my daughter and my wife. “

Samantala, ang pag-inom naman ng alak ay noong 2022 pa niya itinigil dahil umano sa uric acid.