Hindi pinalampas ng social media personality na si Joel Mondina o mas kilala bilang "Pambansang Kolokoy" ang isang netizen na pumuna sa kaniya sa social media kaugnay ng kaniyang personal na buhay at mga naging desisyon noon.
Sa isang Facebook post, nagbahagi si Mondina ng larawan kung saan makikitang wala na ang mga natitira niyang buhok at nag-ahit na rin ng facial hair, na may caption na "God never allows pain without a purpose..."
Kamakailan lamang, ibinahagi ni PK na sumailalim siya sa second cycle ng chemotherapy para sa kaniyang cancer, na hindi niya na tinukoy kung sa aling bahagi ng katawan.
Marami naman ang nagpaabot ng encouraging words para kay Mondina, na naghahangad sa kaniyang paggaling.
Kung may mga nagdarasal na sana, mawala na ang cancer niya at malagpasan ang chemo, ilang netizens naman ang nanlibak sa kaniya at nagsabing tila "karma" na raw sa kaniya ang pinagdaraanan, matapos ang naging hiwalayan nila ng dating misis na si Grace Mondina.
Isang netizen pa ang nagkomento na mas makabubuting humingi umano siya ng tawad sa kaniyang “real family” na nasaktan daw niya.
Mababasa sa komento, "Just ask for forgiveness from your real family...nansakit ka e. Basta mnalang silang iniwan? What kind ofnperson are you..."
Na hindi naman pinalagpas ni Mondina.
"fyi, i didnt leave my kid. I pay child support every single month. We talk every single day. Not all relationships work, and staying in one that doesn't isn't always the answer. I've rebuilt my life, I'm happily married, my kids from both marriages are part of my life, and we've moved on. It's time for you to do the same," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Joel Mondina/FB
Umani ng suporta ang sagot ng komedyante mula sa maraming netizens na pumuri sa kaniyang pagiging kalmado at prangka sa pagsagot sa isyu.
"Please don't judge."
"Psychologist said don’t listen what negative comments from other people.. im one of a cancer patient this is not called Karma this is our Gods will.. all of us have cancer ..we dont know the other when he or her to become.. don’t worry prayers is the best medicine.. stay positive and chnge your lifestyle..get well soon ..Merry Xmas sa ating mga fighters."
"Sonetimes yung cancer sa lifestyle din nakukuha or namamana..Be grateful and be thankful to god na hindi tayo isa sa mga cancer patients..avoid nlang sobrang panghuhusga at panlalait sa isang taong cancer patients...it doesnt help sa isang cancer patient ang sobrang bashing..be kind instead..Yung minsan napasaya or napatawa mo ang isang tao its a big thing..just pray n get well soon.."
"Although what you did to your family is not right ‘ Who am I to judge you..? If others desired for this. We all face challenges and pain in life .your sickness having ca is just the lord’s way for us to repent and for our faith to be strengthened . May the lord God give you a strong mind and body to overcome this test."
Kaugnay na Balita: Followers, nagulat: Pambansang Kolokoy may cancer, nasa 2nd cycle na ng chemo!