January 06, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

KILALANIN: Pinoy legends sa basketball court

KILALANIN: Pinoy legends sa basketball court
Photo courtesy: Unsplash, The Kahimyang Project (website)

Kapag sinabing “basketball,” matic na karamihan ng Pinoy, mapa-bata, mapa-matanda, kayang maka-three point shot sa ring. 

Ang basketball, para sa mga Pinoy, ay higit pa sa isang laro–ito ay parte ng kultura na nagbubuklod sa mga komunidad, mula man ito sa lungsod o mga probinsya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Shoot pa more!' ALAMIN: Bakit 'adik' sa basketball ang mga Pinoy?'

Sa paggunita ng World Basketball Day nitong Linggo, Disyembre 21, kilalanin ang ilan sa Pinoy legends sa loob ng basketball court: 

Mga Pagdiriwang

'Pag nagpaputok, maging responsable rin sa paglilinis pagkatapos!'—paalala

Robert Jaworski Sr.

Kilala rin bilang “The Big J,” si Jaworski ay naglaro sa Philippine Basketball Association (PBA) simula 1975 hanggang 1997, kung saan naging parte siya ng Toyota mula 1975 hanggang 1983; at Gilbey's Gin/Anejo/Ginebra mula 1984 hanggang 1997.

Ang mga naging pagkilala kay Jaworski ay ang mga sumusunod: 1978 Most Valuable Player (MVP); 6x Mythical First team; 2x Mythical Second team; 2x All-Defensive team member; at 4x All-Star.

Ramon Fernandez

Kilala rin bilang “El Presidente,” si Fernandez ay naglaro sa PBA simula 1975 hanggang 1994, kung saan naglaro siya para sa Toyota simula 1975 hanggang 1983; sa Beer Hausen/Manila Beer simula 1984 hanggang 1985; sa Tanduay 1986 hanggang 1987; sa Purefoods noong 1988; at San Miguel Beer noong 1988 hanggang 1994.

Nasungkit ni Fernandez ang Most Valuable Player award sa mga taong 1982, 1984, 1986, at 1988. 

Siya rin ay naging 13x Mythical First Team, 3x Mythical Second Team member, at 4x All-Star.

William “Bogs” Adornado

Si Bogs ay nagsimula sa PBA bilang parte ng Crispa mula 1975 hanggang 1980, kung saan nasungkit niya ang back-to-back MVP noong 1975 at 1976.

Mula naman 1980 hanggang 1987, naglaro siya para sa U/Tex, Great Taste, at Shell. 

Taong 1981, muli niyang natanggap ang MVP award. 

Bukod pa rito, si Bogs ay naging 7x Mythical First Team member, 1x Mythical Second Team, at 3x All-Star. 

Alvin Patrimonio 

Kilala rin bilang “The Captain,” si Patrimonio ay naglaro sa PBA bilang parte ng Purefoods mula 1988 hanggang 2005. 

Si Patrimonio ay naging 4x Most Valuable Player sa mga taong 1991, 1993, 1994, at 1997. 

Siya rin ay naging 10x Mythical First Team, 1x Mythical Second team member, at 16x All-Star. 

Fortunato “Atoy” Co

Kilala rin bilang “Fortune Cookie,” si Co ay ang pioneer player ng PBA noong 1975, kung saan naglaro siya bilang parte ng Crispa, Manila Beer at Great Taste/Presto mula 1975 hanggang 1988. 

Taong 1979, nasungkit ni Co ang Most Valuable Player award, at naging 9x Mythical First team member.

Bukod pa rito, nakilala si Co sa kaniyang signature move na “turnaround fadeaway jumper,” kasama ang kaniyang bigote at apple haircut. 

Alberto “Abet” Guidaben

Si Guidaben ay naglaro sa PBA mula 1975 hanggang 1995 bilang parte ng Crispa, Tanduay, Manila Beer, San Miguel Beer, Purefoods, Alaska, Seven-Up at Shell.

Noong 1983 at 1987, nasungkit ni Guidaben ang 2x Most Valuable Player award. 

Bukod pa rito, siya ay naging 5x Mythical First Team member at 3x All-Star.

Sean Antonio/BALITA 

Inirerekomendang balita