December 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gabbi Garcia, naging mas health conscious dahil sa PCOS

Gabbi Garcia, naging mas health conscious dahil sa PCOS
Photo courtesy: Gabbi Garcia (IG)

“Movement became my safe space. My release. My stress reliever. My reset,” ito ang naging realization ni Kapuso IT Girl Gabbi Garcia sa kaniyang social media post noong Sabado, Disyembre 20, matapos niyang i-reveal na na-diagnose siya ng Polycystic ovary syndrome (PCOS) noong 2018. 

Sa nasabing post, ikinuwento ni Gabbi na naging malaking tulong ang pagwo-work out sa kaniya para mas maalagaan ang sarili sa kabila ng diagnosis, tatlong taon na ang nakararaan. 

“I was diagnosed with PCOS back in 2018. It’s something I’ve kept to myself for a while. But about 3 years ago, I finally pushed myself to move. to show up for my body and take care of it instead of fighting it ,” ani Gabbi. 

Binanggit din niya na kaakibat ng PCOS, mabilis ang naging pagtaba niya, ngunit napagtanto rin ng aktres na basta “strong and healthy” siya, sapat na ‘yon para sa kaniya, at hindi niya raw priority mag-fit in sa depinisiyon ng “sexy” sa lipunan. 

Tsika at Intriga

Ginawang negosyo? Kasal nina Kiray, Stephan inintriga

“Yes, mabilis din akong tumaba. Minsan mataba ako sa TV, oo nakikita ko kahit todo workout na ko. Minsan naman okay ako if hindi bloated lol. But yes, there are a lot of days when I feel bloated, days with a moon face, the “PCOS belly,” and everything else that comes with it,” saad ng Kapuso IT Girl. 

“And now, I’m at a point kung san basta strong and healthy ako, okay na ako. Kaya kong tumakbo. Kaya kong magbuhat. Kaya ko sarili ko Being “sexy” the way society defines it is honestly the least of my priorities,” dagdag pa niya. 

Kaya sa journey niyang ito sa “body positivity,” natutunan daw ni Gabbi na makinig sa katawan niya at mas i-appreciate ito, at sa kasalukuyan, patuloy pa rin daw siyang natututo. 

“This journey taught me body positivity in the truest sense. To be kinder to my body, to listen to it, and to appreciate everything it allows me to do,” saad niya. 

“Not perfect. Just better. Still learning. Still showing up ,” aniya pa. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang PCOS at paano nito naaapektuhan ang kalusugan ng kababaihan?

Sean Antonio/BALITA