December 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Cup of Joe umiwas makisawsaw sa isyu nina Rico Blanco, Paolo Valenciano

Cup of Joe umiwas makisawsaw sa isyu nina Rico Blanco, Paolo Valenciano
Photo Courtesy: Paolo Valenciano, Cup of Joe, Rico Blanco (FB)

Nausisa ang OPM band na Cup of Joe kaugnay sa lumutang na isyu sa pagitan nina OPM singer Rico Blanco at concert director Paolo Valenciano dahil sa major delay na nangyari sa JBL Sound Fest kamakailan.

Sa ulat ng GMA Entertainment nitong Linggo, Disyembre 21, tumanggi umanong magsalita ang banda tungkol sa naturang isyu.

“We were very much included po sa incident. But when the team of JBL and our director, Paolo Valenciano, went to our tent and talked to us, they said na it should from their end ‘yong panggagalingan ng statement,” saad ni Cup of Joe vocalist Gian Bernardino.

Dagdag pa niya, “It's also our choice to not have a say about it.”

Tsika at Intriga

Kinarma kaya nagkasakit? Pambansang Kolokoy, umalma sa nagsabing dapat humingi siya ng tawad sa 'real family'

Sa kabila nito, pinangako ng banda na pananatilihin pa rin nila ang kanilang professionalism sa kanilang gigs at events.

“We'll do what we love, we'll do kung ano ‘yong sinasabi sa amin, and we'll keep it professional always,” ani Gian.

Matatandaang humingi ng paumanhin si Paolo sa Cup of Joe dahil kinailangan niyang sunduin ng motorsiklo ang banda sa gitna ng traffic para sa bagong call time. 

“I sincerely apologize to our client JBL and to my brothers from Cup of Joe (who had to be picked up by motorcycles in traffic jams just to make their new call time),” saad ni Paolo.

Makahulugang pahayag naman ang binitawan ng concert director kay Rico sa huling bahagi ng Facebook post niya. 

Sabi niya “[T]o Rico, my hero, while I sincerely wish you the best, I’ve learned that we’re simply not meant to work together again.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring inilalabas na opisyal na pahayag si Rico tungkol sa naturang isyu. Ngunit bukas ang Balita para sa kaniyang panig.

Maki-Balita: Paolo Valenciano kay Rico Blanco: 'We're simply not meant to work together again'