Gumawa ng kasaysayan ang isang babaeng engineer matapos siyang kilalanin bilang kauna-unahang wheelchair user na nakapunta sa kalawakan noong Sabado, Disyembre 20.
Ang nasabing engineer ay si Michaela “Michi” Benthaus, na isang aerospace at mechatronics engineer sa European Space Agency.
Ayon sa social media ng Blue Origin, isang space tourism company, nagpadala ng mensahe si Michaela sa isang retired space engineer para magbakasakaling matupad ang pangarap niyang maging astronaut.
“I met Hans [for] the first time, online, on LinkedIn. I just asked him, ‘you worked for so long for SpaceX, do you think that people like me can be astronauts?’ Then he reached out to Blue Origin, and thankfully, it turned out, we can do it,” pagbabalik-tanaw ni Michaela.
Ibinahagi rin niya na hindi naging hadlang ang kapansanan sa pag-abot ng pangarap, bagkus, naging motibasyon pa ito para ipinanawagan sa publiko ang importansya ng inklusibong lipunan sa lahat ng aspeto nito.
“If we want to be an inclusive society, we should be inclusive in every part, and not only in the parts we like to be,” aniya.
Bago rin siya maging wheelchair user, inilarawan ni Michaela ang sarili bilang “sporty” dahil sa iba’t ibang outdoor activities na ginagawa niya tulad ng mountain biking at snowboarding.
“I was a very sporty person. So I did a lot of mountain biking [and] snowboarding. Obviously, life changed a lot after my accident and I really, really figured out how inaccessible our world still is,” saad ni Michaela.
Ang space flight na kinabilangan ni Michaela ay ang 37th flight ng New Shepard program, kabilang ang lima pang crew.
Ayon sa lathala ng Blue Origin, ito ang kauna-unahang beses na mayroon silang wheelchair user na crew, na lumipad sa taas ng Kármán Line, ang internationally recognized na boundary ng space.
Sa kasalukuyan, ang New Shepard program ay nakapagpalipad na ng 86 indibidwal sa kalawakan.
Kabilang dito ang pop star na si Katy Perry at American broadcast journalist na si Gayle King.
MAKI-BALITA: Katy Perry, pumunta sa outer space kasama ng iba pang all-female crew
Sean Antonio/BALITA