December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

59-anyos na lalaki, arestado sa kasong acts of lasciviousness, statutory rape

59-anyos na lalaki, arestado sa kasong acts of lasciviousness, statutory rape
Photo courtesy: Rizal Police Provincial Office/FB


Timbog ang isang 59-anyos na lalaki noong Biyernes, Disyembre 19 sa Brgy. Cupang, Antipolo City matapos sampahan ng kasong acts of lasciviousness at statutory rape.

Sa ibinahaging ulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) noong Sabado, Disyembre 20, nakatala ang suspek bilang Rank No. 9 Regional Most Wanted Person (MWP), na nasakote matapos magsagawa ng isang operasyon ang Antipolo Component City Police Station.

Dinakip ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na may kaugnayan sa kasong 3 counts ng lascivious conduct at statutory rape—na inisyu ng Family Court, Branch 17, Antipolo City.

Aabot sa ₱200,000 bawat bilang ang inirerekomendang piyansa para sa lascivious conduct, samantalang wala naman para sa kaso ng panghahalay.

Ang naturang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo Component City Police Station para sa wastong dokumentasyon at tamang disposisyon.

Vincent Gutierrez/BALITA

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City