December 21, 2025

Home BALITA National

11 arestado, higit ₱34M halaga ng ilegal na droga nasabat sa malawakang anti-drug operation

11 arestado, higit ₱34M halaga ng ilegal na droga nasabat sa malawakang anti-drug operation
Photo courtesy: PNP


Tiklo ang 11 drug suspects at aabot sa higit ₱34 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng awtoridad sa ikinasa nitong “nationwide anti-drug operation” kamakailan.

Sa ibinahaging ulat ng Philippine National Police (PNP) noong Sabado, Disyembre 20, sinabi nilang walo sa mga nasakoteng suspek ay nakatala bilang high-value individuals (HVIs), na nagmula sa Central Visayas, CALABARZON, Western Visayas, Northern Mindanao, Eastern Visayas, BARMM, at Negros Island Region.

Matapos ang naturang buy-bust operations, warrant-based arrests, at joint anti-drug actions, narekober ng pulisya ang aabot sa 4.95 kilo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱34,698,564, sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Acting Chief of PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., patunay ang mga operasyong ito sa adhikain ng ahensya na paigitingin ang kampanya kontra-droga sa buong bansa.

“Tuluy-tuloy lang po ang laban natin kontra illegal drugs. We are hitting both street-level pushers and high-value targets, and we will keep doing so. Ang malinaw sa amin, hindi dapat makalusot ang mga nagtutulak at nagbebenta ng droga,” saad ni Nartatez.

Dagdag pa niya, “Gusto naming maramdaman ng taumbayan na may pulis na maaasahan, mabilis kumilos, tapat sa tungkulin, at may malasakit. Ito ang diwa ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas. The fight against illegal drugs is not just a police effort—it’s a shared responsibility. When the community and law enforcement work together, we get results.”

Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad, habang isinumite na rin sa mga kinauukulan ang mga nasabat na ilegal na droga para sa pagsusuri.

National

'Huwaran ng integridad!' House Speaker Bojie Dy, nakiramay sa pagpanaw ni Rep. Romeo Acop



Sila ay haharap sa mga kaso matapos labagin ang Republic Act No. 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Vincent Gutierrez/BALITA