Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na katawan mismo ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral ang nahulog sa Kennon Road sa Benguet noong gabi ng Huwebes, Disyembre 18, 2025.
Ayon sa naging panayam ng DZMM Teleradyo kay Remulla nitong Sabado, Disyembre 20, kinumpirma niya mismo na katawan daw ni Cabral ang natagpuang bangkay sa may Kennon Road.
“Gusto ko lang ipaalam sa lahat na confirmed na si former Usec. Cabral ang nakitang labi doon sa ilalim ng bangin sa Tuba, Benguet,” pagsisimula niya.
Ani Remulla, lumabas na umano sa resulta ng autopsy at DNA swab testing na si Cabral mismo ang nahulog sa nasabing bangin.
“Isinagawa na ang isang autopsy at DNA swab at unofficially ‘yong DNA swab ay lumabas na siya talaga ‘yon,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, “Plus the fingerprints, plus the identification of the family.”
Inisa-isa rin ni Remulla ang tatlong bagay na nagpapatotoo na si Cabral talaga ang labi na nahulog sa bangin ayon sa mga karagdagang imbestigasyon ng mga awtoridad.
“Lumalabas din sa follow-up investigation, number one, sa kotse [ay] walang signs of struggle, walang blood stains. Number two, ang autopsy ay consistent with blunt force trauma from a high fall,” saad niya.
“Number three, mag-isa talaga siya sa lugar na ‘yon noong binabaan ng driver. Walang witnesses pero it turns out noong umaga [ay] sinubukan niya na. Nakita lang ng pulis kaya umatras siya. No’ng bumaba siya [ulit], parang pagbaba kasi ng driver ng two kilometers down para magpagasolina, pagbalik ng driver ‘di na siya nakita. Baka doon pa lang [ay] tumalon na.” paglilinaw pa niya.
Anang Secretary, blunt force trauma raw ang naging dahilan ng pagkamatay ni Cabral mula sa pagkahulog umano sa bangin at nagtamo ito ng pagkawasak ng kanan na bahagi ng mukha, bali na mga kamay at tuhod, pagkabasag ng likurang bahagi ng bungo, at iba pa.
MAKI-BALITA: Ex-DPWH Usec. Cabral, pumanaw na
MAKI-BALITA: 'Something fishy!' De Lima, duda sa 'di paghingi ng hustisya, imbestigasyon ng pamilya ni Cabral
Mc Vincent Mirabuna/Balita