December 22, 2025

Home BALITA National

'Sarah, Curlee Discaya, tinuruan n’yo mga anak n’yong magnakaw!'—Mayor Vico Sotto

'Sarah, Curlee Discaya, tinuruan n’yo mga anak n’yong magnakaw!'—Mayor Vico Sotto
Photo courtesy: Mayor Vico Sotto (FB)

Mabibigat na mga salita ang binitawan ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mag-asawang kotratista na sina Sarah at Curlee Discaya sa pagtuturo umano ng mga itong magnakaw sa kanilang mga anak. 

Ayon sa isinapublikong video statement ni Sotto sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Disyembre 20, binalikan niya ang naging pag-aalala noon ni Sarah Discaya sa kaniyang mga anak nang sumuko ito sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI). 

“Sabi ni Madam Sarah, ‘paano ‘yong mga anak ko, huhu.’ Sana naisip n’yo ‘yan bago n’yo dinamay ang mga anak ninyo sa mga kalokohan ninyo,” pagsisimula niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Paano mga anak ko?' Sarah Discaya, takot mawalay sa pamilya 'pag nakulong

National

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

Ani Sotto, nakapangalan daw noon sa mga anak ng nasabing mag-asawang kontratista ang korporasyong kanilang binili kahit mga 18-anyos pa lang ang mga ito noon. 

“Pangalan pa lang ng korporasyon, ginawa lang santo, pero Saint Gerrard, Saint Timothy, Saint Matthew, pati ‘yong Y.P.R,” pag-iisa-isa niya. 

Paglalahad ni Sotto, nabili raw ng ikalawang anak ng mag-asawang Discaya ang na si Mathew Carl ang St. Mathew Corporation noong 2022 sa halagang ₱245 million .

“Sa Matthew Carl (second son) binili ang St. Matthew Corporation, 18 years old noong 2022 sa halagang ₱245 million,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Sana all may ₱245 million noong 18 years old. Hindi bababa sa ₱17 billion ang naging [infrastructure] projects na nito.” 

Anang alkalde, nagparehistro naman ng One Person Corporation ang panganay na anak nina Sarah at Curlee na si Gerrard Willa Francisco noong 2021. 

“Si Gerrard William Francisco (first son), 18 years old [noong] 2021, nagparehistro ng One Person Corporation, Waymaker General Contractor, ₱50 million authorized capital sotck, ₱12 million paid capital, 2023 alone naka-three billion pesos ito,” saad niya. 

Pagpapatuloy pa ni Sotto, hindi lang daw nagnakaw sina Sarah at Curle sa bayan kundi tinuruan din ng mga ito na magnakaw ang kanilang anak. 

“Mr. and Mrs. Discaya, hindi lang kayo nagnakaw, tinulungan at tinuruan ninyo ang mga anak ninyong magnakaw,” pagtatapos pa niya.

MAKI-BALITA: 'Small Fish?' Mayor Vico Sotto, nagpaalalang 'wag kagatin propaganda ng mga Discaya

MAKI-BALITA: Mag-asawang Discaya, iniharap sa DOJ kaugnay ng reklamong ₱7.1 bilyong tax evasion

Mc Vincent Mirabuna/Balita