December 21, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'On your left!' Chris Evans, magbabalik bilang Captain America sa 'Avengers: Doomsday?'

'On your left!' Chris Evans, magbabalik bilang Captain America sa 'Avengers: Doomsday?'
Photo Courtesy: Captain America (FB)

Tila muling gagampanan ni Hollywood star Chris Evans ang karakter niya bilang Steve Rogers a.k.a. Captain America sa upcoming movie ng Marvel Cinematic Universe na “Avengers: Doomsday.”

Ayon sa mga ulat, naispatan umano ang teaser trailer ng “Avengers: Doomsday” sa screening ng “Avatar: Fire and Ash.”

Mapapanood umano sa teaser na lulan si Evans ng motorsiklo papunta sa isang bahay. Pagpasok niya sa loob, binuhat niya ang sanggol na tila anak niya. 

Kasunod nito, pinakita ang Captain America suit ni Evans habang tinititigan ito.

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

“Steve Rogers will return for ‘Avengers: Doomsday,’” mababasa umano sa huling bahagi ng teaser.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa inilalabas ng Marvel Studios ang opisyal na teaser trailer ng naturang pelikula.

Ngunit nakakasa na sa Disyembre 2026 ang screening ng “Avengers: Doomsday.” Bago ito, inanunsiyo ng Marvel na muling mapapanood ang “Avengers: Endgame” sa mga sinehan sa Setyembre 2026.

Maki-Balita: Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Matatandaang sa pelikulang ito huling natunghayan si Evans bilang Captain America matapos makipagbakbakan sa supervillain na si Thanos na nagtangkang lipulin ang kalahating populasyon ng buong uniberso.

Deklarado ang “Avengers: Endgame” bilang highest-grossing film of all time sa Pilipinas noong 2019 na kumita ng ₱1,302,454,613 sa loob lang ng 9 na araw.