December 20, 2025

Home BALITA

Nilaslas na bangkay ng 5-anyos na paslit, wala nang saplot na natagpuan sa isang creek

Nilaslas na bangkay ng 5-anyos na paslit, wala nang saplot na natagpuan sa isang creek
Contributed photo

Isang limang taong gulang na batang babae ang natagpuang patay, walang saplot at nakabalot sa sako malapit sa isang creek sa Barangay Maugat, Tanauan, Batangas.

Ayon sa mga ulat, may laslas sa leeg ang biktima at hinihinalang ginahasa muna bago pinatay. 

Lumabas sa imbestigasyon na isang lalaking kapitbahay ang umano’y nag-utos sa kaniyang anak na yayain ang biktima na maglaro sa kanilang bahay.

Sinabi ng ina ng bata na hindi niya napansing umalis ang kaniyang anak. Agad umano nila itong hinanap sa iba’t ibang lugar, ngunit kinabukasan na natagpuan ang bangkay malapit sa creek.

Hindi totoo! Atty. Torreon, sinagot umano’y pagdating ng arrest warrant para kay Sen. Bato

Nadakip ang kapitbahay ng biktima sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. 

Inaresto rin ang isa pang lalaki na itinuro ng unang suspek bilang umano’y gumahasa at pumatay sa bata.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga inaresto, habang patuloy na humihingi ng hustisya ang pamilya ng biktima.