December 20, 2025

Home BALITA

‘Nagtatalo ang isip at puso:’ Jay Costura, hinulaan nangyari sa missing bride

‘Nagtatalo ang isip at puso:’ Jay Costura, hinulaan nangyari sa missing bride
Photo Courtesy: Screenshot from Jay Costura (YT), Mark Arjay Reyes (FB)

Dumulog na ang pamilya ng nawawalang bride na si Sherra De Juan sa psychic at “Asia's Nostradamus” na si Jay Costura para tuklasin ang sagot sa mga tanong tungkol sa pagkawala nito. 

Sa latest episode ng vlog ni Jay noong Biyernes, Disyembre 19, gumamit siya ng baraha para hulaan ang mga nangyari. 

Batay sa lumabas na resulta sa baraha, paulit-ulit umanong iginigiit sa fiancé ni Sherra na si Mark Arjay Reyes ang isyu ng third party.

“Kung mapapansin mo, number three of hearts. Third party issue. So. ito ang ipipilit sa ‘yo ng mga ibang tao. Pero kung mapapansin mo, ace of flowers. She’s still travelling right now,” saad ni Jay.

Hindi totoo! Atty. Torreon, sinagot umano’y pagdating ng arrest warrant para kay Sen. Bato

Dagdag pa niya, “Bumiyahe po. May nakita akong pagtawid. Ito po ay nakaplano na pala sa kaniya. “

Nausisa rin si Mark kung mahigpit ba siya kay Sherra. Dahil ayon sa baraha, naipon umano sa bride ang masyadong pagiging seloso ng fiancé nito.

Pero sabi naman ni Mark, “Hindi po.”

Kaya naman binura na ni Jay ang posibilidad na dinukot si Sherra ng masasamang loob. Malinaw umano na kusang umalis ang bride at nahihirapang bumalik sa pamilya matapos mag-trending.

Sa sumunod na pagbalasa, lumitaw sa baraha ang ace of heart na nangangahulugan umanong buhay si Sherra. 

Anang pyschic, “She’s fine. Babalik siya. She’s alive. So may tumutulong sa kaniyang babae ngayon.” 

“So, malinaw ang pinakita sa akin ng baraha na nahirapan siyang magdesisyon. Pinakita sa akin ng baraha kanina na nagtatalo ang isip at puso niya,” dugtong pa ni Jay.

Matatandaang noong Disyembre 14 pa sana ang nakatakdang kasal nina Mark at Sherra. Ngunit sa kasamaang-palad, biglang naglaho ang huli na parang bula. 

Huling namataan si Sherra sa North Fairview, Petron, Quezon City noong Disyembre 10. Bago mawala, nagpaalam daw si Sherra na bibili lang ng wedding shoes para sa big day nila.

Maki-Balita: #BalitaExclusives: Babaeng ikakasal na sana, ilang araw nang nawawala; fiancé, umapela ng tulong

Samantala, bumuo na ng special team ang Quezon City Police District (QCPD) para imbestigahan ang kaso ng missing bride. 

Maki-Balita: QCPD, bumuo ng special team para imbestigahan pagkawala ng bride-to-be sa QC