December 20, 2025

Home BALITA

Mayor Vico, nag-react sa umano'y pag-dirty finger ni Sarah Discaya sa reporter

Mayor Vico, nag-react sa umano'y pag-dirty finger ni Sarah Discaya sa reporter
Vico Sotto/IG, Lorenz Tanjoco/Tiktok, MB file photo

Nag-react si Pasig City Mayor Vico Sotto sa diumano'y pag-dirty finger ng kontratistang si Sarah Discaya nang matanong ng isang reporter kung ibabalik ba ang pera ninakaw nito sa maanomalyang flood control projects.

Base sa videong inupload ng radio news reporter na si Lorenz Tanjoco sa kaniyang TikTok account noong Biyernes, Disyembre 19, mapapanood ang paglabas ng Sarah maging ng kaniyang asawang si Curlee Discaya sa opisina ng Department of Justice (DOJ). 

Maki-Balita: Finger heart to middle finger? Sarah Discaya, namaky* umano ng reporter

Samantala, sa isang Instagram story nitong Sabado, Disyembre 20, nireupload ni Mayor Vico ang isang video tungkol sa pag-dirty finger ni Discaya.

Hindi totoo! Atty. Torreon, sinagot umano’y pagdating ng arrest warrant para kay Sen. Bato

"Zero remorse," maiksing sabi ng alkalde.

Matatandaang magkahiwalay na dinala sa DOJ noong Biyernes, Disyembre 19, ang mga kontrobersyal na kontratistang sina Sarah at Curlee Discaya.

Sumailalim ang mag-asawang Discaya sa preliminary investigation kaugnay ng ₱7.1 bilyong reklamong tax evasion na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

MAKI-BALITA: Mag-asawang Discaya, iniharap sa DOJ kaugnay ng reklamong ₱7.1 bilyong tax evasion

Kaugnay na Balita:  'Sarah, Curlee Discaya, tinuruan n’yo mga anak n’yong magnakaw!'—Mayor Vico Sotto

Kaugnay na Balita: Nananakot ng empleyado? Mayor Vico, sinabing gumagawa pa rin ng kasamaan sina Sarah, Curlee Discaya