January 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘I’m home!’ Janella, Klea opisyal na nga bang mag-jowa?

‘I’m home!’ Janella, Klea opisyal na nga bang mag-jowa?
Photo Courtesy: Janella Salvador (FB)

Tila pasimpleng ipinahiwatig ni Kapamilya actress Janella Salvador ang real-score sa pagitan nila ni Kapuso actress Klea Pineda.

Sa isang Instagram post ni Janella kamakailan, nagbahagi siya ng serye ng mga larawang kuha sa Los Angeles, California. 

At sa huling slides ng mga larawan, bumulaga ang selfie nila together. 

“La la land feels like home” saad ni Janella sa caption.

Tsika at Intriga

'Si ano 'to... sikat na artista sa Pilipinas!' Vice Ganda inintrigang nagtampo, nagalit sa nakalimot sa pangalan niya

Komento naman ni Klea, “Naaaahhh, I'm home ”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa mga komento:

"Bagay na bagay na bagay magpapakasal na sila soon nakikita kona agad"

"Ang importante supported sila Ng pamilya nila guys, no need for negative comments here okay. Love and support Tayo for them guys it's 2025 and going 2026 na let go na."

"Badiiingg!!!! "

"Basta kahit di nyuko kilala supportado kayu sakin,"

"Hay stay in love!!! "

"It is happier outside the closet. "

"Why I feel kilig for both of them "

"Kinikilig na ako ih"

"GL series pls. "

"She is now a lesbian lover "

Matatandaang nagsimulang maugnay si Klea kay Janella noong nagkasama sila sa pelikulang “Open Endings.” 

KAUGNAY NA BALITA: Priorities muna! Klea Pineda hiwalay na sa girlfriend na si Katrice Kierulf-Balita

In fact, pinagsuspetsahan pa ngang may kinalaman ang huli sa breakup ni Klea at ng ex-girlfriend nito.

Ngunit nauna nang pinabulaanan ni Klea na wala raw nangyaring third party. Sabi naman ni Janella, “Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon.”

KAUGNAY NA BALITA: Klea Pineda idiniing labas si Janella Salvador sa hiwalayan nila ni Katrice Kierulf

Maki-Balita: Hindi raw third party: Janella kay Klea, 'Kung ano nakikita n'yo, 'yon na 'yon!'

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang kinukumpirma o tinantaggi sina Klea at Janella tungkol sa totong estado ng relasyon nila. Pero bukas ang Balita para sa kanilang panig.