Nabahiran ng intriga ang pag-iisang-dibdib nina dating “Goin’ Bulilit” star Kiray Celis at Stephan Estopia dahil umano sa kanilang mga ninong at ninang.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Disyembre 19, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na kinuwetiyon umano ng netizens ang 30 pares ng sponsor sa kasal nina Kiray at Stephan na pawang mga kilalang pangalan sa politika at showbiz industry.
“‘Yong ibang netizen, imbes na mag-best wishes sa dalawa ay nakuha pang kuwestiyunin kung bakit bigatin ang mga kinuhang ninong at ninang. Para malakihan daw ba ang mga pakimkim?” saad ni Ogie.
Kabilang sa listahan ng sponsors sina Dingdong Dantes, Marian RIvera, Boy Abunda, Chavit Singson, Bong Go, Isko Moreno, Alex Castro, Jason Francisco, Melai Cantiveros, at marami pang iba.
Maki-Balita: ‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!
Samantala, bago pa man makasal sina Kiray at Stephan ay pinayuhan na ni Sen. Go ang dalawa tungkol sa buhay may-asawa.
Aniya, ““Ang importante diyan, unang buwan o taon ng inyong pagsasama, i-treasure n'yo talaga. Kasi 'pag may anak na kayo, 'yon na 'yong magba-bond sa inyo. Ibang samahan na 'yon.”
Matatandaang inalok ni Stephan si Kiray na magpakasal noong Abril.
Nagsimulang mag-date ang dalawa noong 2019 bagama't matagal na silang magkakilala dahil kaibigan ni Stephan ang kapatid ni Kiray.