December 21, 2025

Home BALITA National

Finger heart to middle finger? Sarah Discaya, namaky* umano ng reporter

Finger heart to middle finger? Sarah Discaya, namaky* umano ng reporter
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO, Lorenz Tanjoco (Tik Tok)

Nakatikim ng matigas na middle finger ang isang reporter mula sa kontratistang si Sarah Discaya nang subukan nitong magtanong kung ibabalik ba nila ang umano’y mga perang ninakaw sa maanomalyang flood control projects. 

Ayon sa videong inupload ng radio news reporter na si Lorenz Tanjoco sa kaniyang TikTok account noong Biyernes, Disyembre 19, mapapanood ang paglabas ng mag-asawang kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya sa opisina ng Department of Justice (DOJ). 

“Ma’am, isusuli n’yo raw po ‘yong mga ninakaw ninyo?” maririnig na tinanong ng nasabing mamamahayag. 

Hindi naman iyon sinagot ni Sarah at bagkus makikita sa video na naka-middle finger umano ito sa nagtanong na reporter. 

National

‘Anong relasyon?’ Hotel na tinuluyan ni ex-Usec. Cabral, ibinenta umano kay Eric Yap

Photo courtesy: Lorenz Tanjoco (Tik Tok)

Screenshot from Lorenz Tanjoco (Tik Tok) 

Matatandaang magkahiwalay na dinala sa DOJ noong Biyernes, Disyembre 19, ang mga kontrobersyal na kontratistang sina Sarah at Curlee Discaya.

MAKI-BALITA: Mag-asawang Discaya, iniharap sa DOJ kaugnay ng reklamong ₱7.1 bilyong tax evasion

Sasailalim ang mag-asawang Discaya sa preliminary investigation kaugnay ng ₱7.1 bilyong reklamong tax evasion na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sila ang may-ari ng Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation, isa sa 15 kumpanyang binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng 20 porsyento ng mga flood control project sa buong bansa.

MAKI-BALITA: Finger heart ni Sarah Discaya, gawain lang daw niya noong campaign period—DOJ

MAKI-BALITA: 'Sarah, Curlee Discaya, tinuruan n’yo mga anak n’yong magnakaw!'—Mayor Vico Sotto

Mc Vincent Mirabuna/BalitaÂ