Lumabas umano sa imbestigasyon na pagmamay-ari ng pumanaw na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral ang hotel na tinuluyan niya sa Benguet hanggang 2025 at ibinenta ito sa nagngangalang “Eric Yap” nito ring taon.
Ayon sa naging panayam ng DZMM Teleradyo kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla nitong Sabado, Disyembre 20, sinabi niyang nakita raw nilang pagmamay-ari ni Cabral ang Ion Hotel na tinuluyan niya bago ito mahulog umano sa bangin sa Kennen Road noong gabi ng Huwebes, Disyembre 18, 2025.
“Nakita kasi namin [na] ‘yong Ion Hotel kung saan siya tumira ay pag-aari ni Usec. Cabral hanggang 2025,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Pero binenta niya noong 2025 sa isang nagngangalang ‘Eric Yap.’”
Ani Remulla, evident daw na may relasyon sa negosyo sina Cabral at Yap.
“It is evident na may relasyon sila ni Eric Yap, business wise,” aniya.
Pagpapatuloy pa ni Remulla, evident din daw na dumaan sa opisina ni Cabral ang proyekto ng rock netting sa Tuba, Benguet, na si Yap ang supplier at kontratista.
“It is evident na ‘yong paglagi ng mga rock netting na ‘yon sa ay dumaan sa opisina ni Usec. Cabral,” saad niya.
“It is evident na ang supplier at contractor ng rock netting ay si Eric Yap. So, somehow, there is a relationship,” pagtatapos na niya.
Samantala, bukod dito, naglabas din ng pahayag ang Ion Hotel sa publiko kung saan ay tumanggi silang magbigay ng impormasyon sa pagtuloy rito ni Cabral bago ito masawi dahil sa Data Privacy Act.
“In strict compliance with the Data Privacy Act of 2012, lon Hotel is unable to confirm, deny, or disclose any information relating to guest records, including whether any individual checked in or stayed at the hotel,” anila.
“lon Hotel is fully cooperating with the appropriate authorities and will provide any information that may be lawfully required through proper legal channels.”
“We respectfully request understanding and ask that the privacy of all parties involved be observed as the investigation proceeds,” paglilinaw pa nila.
MAKI-BALITA: SILG Remulla, kinumpirmang si Cabral bangkay na natagpuan sa Tuba, Benguet
MAKI-BALITA: Ex-DPWH Usec. Cabral, pumanaw na
Mc Vincent Mirabuna/Balita