Inilarawan ni Kapuso Star Jillian Ward ang karanasan niya sa buong 2025.
Sa panayam ng GMA Integrated News kamakailan, sinabi ni Jiliian na transformative umano ang taong 2025 para sa kaniya.
“Transformative,” anang aktres. “Sobrang dami ko pong natutunan. Maramin akong kinailangang i-overcome.”
“But I feel like I needed that para talaga maging better person ako and better artist,” dugtong pa niya.
Matatandaang isa sa pinakamalaking kontrobersiyang kinaharap ni Jillian ay ang pagkakaroon umano niya ng sugar daddy.
Ngunit sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Oktubre, pinabulaanan niya ang tungkol sa isyung ito.
Ayon kay Jillian, nagdesisyon siyang magsalita na dahil lubhang nakakabastos na ang mga pekeng balitang ibinabato laban sa kaniya at sa magulang niya.
Maki-Balita: 'Sobrang absurd!' Jillian Ward, bumoses na sa pagkakaugnay kay Chavit Singson
Samantala, looking forward naman siya sa 2026 dahil sa bago niyang show sa Kapuso Network na “Never Say Die” kung saan makakasama niya si Pambansang Ginoo David Licauco.