December 22, 2025

Home BALITA Probinsya

Piggatan bridge sa Cagayan, bukas na matapos bumagsak noong Oktubre

Piggatan bridge sa Cagayan, bukas na matapos bumagsak noong Oktubre
Photo courtesy: Presidential Communications Office (FB)

Muli nang binuksan ang Piggatan Detour Bridge sa Alcala, Cagayan nitong Biyernes, Disyembre 19, matapos ang 60 araw na paggawa nito.

Sa inilabas na public advisory ng Philippine Information Agency (PIA) Cagayan Valley, inanunsyo na ligtas nang madadaanan ng commuters at mga motorista ang tulay, partikular sa mga papuntang Northern Cagayan at mga karatig-probinsya. 

Gayunpaman, binanggit din sa nasabing public advisory na ang mga sasakyan na nasa 40 tonelada pababa lamang ang maaaring dumaan dito, at inaabisong umikot na lamang sa rutang Junction Gattaran-Cumao-Capissayan-Santa Maria Road via Baybayog-Baggao-Dalin Sta. Margarita road. 

Ang pagbubukas ng tulay ay dinaluhan ni DPWH Sec. Vince Dizon, Cagayan Gov. Edgar Aglipay, at Alcala Mayor Tin Antonio.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Kung saan, tiniyak ni Dizon na mataas ang kalidad ng pagkakagawa ng tulay para sa ligtas na pagbiyahe ng commuters at mga motorista. 

Matatandaang bumagsak ang Piggatan Bridge noong Oktubre dahil sa sabay-sabay na pagdaan ng tatlong “overloaded” trucks na may tinatayang 50 toneladang bigat, higit pa sa 18 toneladang kapasidad ng tulay. 

MAKI-BALITA: 3 ‘overloaded’ truck, posibleng sanhi ng pagbagsak ng Piggatan Bridge–Sec. Dizon

Sean Antonio/BALITA