January 05, 2026

Home SHOWBIZ

Palaboy na tinulungan ni Ivana, nakaharap na ang pamilya

Palaboy na tinulungan ni Ivana, nakaharap na ang pamilya
Photo Courtesy: Ivana Alawi (FB)

Nakita na ni “Kuya Jesus” ang pamilya niya at mga mahal sa buhay sa pamamagitan ni Kapamilya star-vlogger Ivana Alawi.

Sa latest Facebook post ni Ivana nitong Biyernes, Disyembre 19, mapapanood ang video kung paano niya sinorpresa ang matandang lalaki.

“Ano ang lagi mong dindasal?” tanong ni Ivana sa unang bahagi ng vdeo.

Sagot ni Kuya Jesus, “Huwag mapahamak. Gano’n din mga kapatid ko [at] pamangkin. Pinagdarasal ko rin talaga.”

Tsika at Intriga

'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

Kasunod nito, inusisa naman ni Ivana si Kuya Jesus kung marunong gumawa ng kubo. Walang pag-alinlangang sumagot ang matanda.

“Marunong,” sabi niya saka inisa-isa ang mga materyales na gagamitin sa pagtatayo nito.

Kaya naman piniringan ng aktres ang mata ni Kuya Jesus bago umano ipakita ang mga gamit na kakailanganin sa kubong itatayo.

Ngunit gayon na lang ang gulat ng matanda nang pamilya niya pala at mga mahal niya sa buhay ang bumungad sa kaniya pagkatanggal ng piring niya sa mata.

Naiyak at niyakap ni Kuya Jesus ang pamilya niya. Saka ibinalita ng kapatid niya na pumanaw na umano ang kanilang ama habang ang ina naman nila ay matanda na.

Matatandaang si Kuya Jesus ang matandang tinulungan ni Ivana sa social experiment nito kamakailan kung saan nagpanggap siya bilang isang buntis na humihingi ng tulong.

Kaugnay na Balita: 'Na-bash sa social experiment!' Lalaking nahagip sa vlog ni Ivana, nagreklamo

Kaugnay na Balita: 'Nagpaalam kami!' Ivana hinarap netizen na na-bash, nagreklamo dahil sa 'buntis' vlog niya