December 20, 2025

Home BALITA

Padilla, pinapaawat muna pasiklaban ng mga pahayag sa pagpanaw ni Cabral

Padilla, pinapaawat muna pasiklaban ng mga pahayag sa pagpanaw ni Cabral
Photo Courtesy: Robin Padilla (FB)

Nanawagan si Sen. Robin Padilla sa publiko na itigil muna ang pagpapasiklaban ng mga pahayag kaugnay sa pagpanaw ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral.

Sa latest Facebook post ni Padilla nitong Biyernes, Disyembre 19, sinabi niyang hayaan munang matapos ang imbestigasyon bago kumuda.

“Hayaan muna natin maging tahımik at matapos ang mga nais na imbestigasyon sa katawan bago tayo magpasiklaban sa mga pahayag at panghuhusga,” saad ni Padilla. 

Dagdag pa niya, “Sana hangga’t wala pang confirmation sa mga well publicized na mga hinala at imbestigasyon, maari po ba bilang mga tao ay makiramay muna tayo sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagtahimik habang inaantay ang resulta ng mga pagsusuri.”

Internasyonal

3, patay sa 'knife attack' ng isang lalaki sa pampublikong lugar

Pumanaw si Cabral matapos umanong mahulog sa bangin nitong Biyernes ng madaling araw, Disyembre 19.

Maki-Balita: Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin

Matatandaang kabilang siya sa listahan ng mga opisyal ng DPWH na pinakakasuhan bago matapos ang taon dahil sa pagkakasangkot umano nito sa maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon

Gayunman, may ilang mambabatas na nananawagang iberipika ang pagpanaw ni Cabral lalo pa nang tumanggi ang mister nito na isailalim sa autopsy ang bangkay.

Maki-Balita: Pangilinan, pinabeberipika kay SILG Remulla labi ni Cabral

Maki-Balita: ‘Paano malalaman totoo?’ Mister ni ex-DPWH Usec. Cabral, tumanggi isailalim sa autopsy ang bangkay ng yumaong asawa