Nagbigay ng paglilinaw si Atty. Israelito Torreon tungkol sa flinex niyang larawan nila ng kliyente niyang si Sen. Bato Dela Rosa.
Sa isang Facebook post ni Torreon noong Huwebes, Disyembre 18, muli niyang ibinahagi ang picture na pinost niya noong Mayo 22 habang karga ni Sen. Bato ang bunos niyang anak na si Ysabelle.
Kuha umano ang naturang larawan sa ground floor ng SM Lanang.
“May 22, 2025 pa yung mga pictures namin ni Senator Bato Dela Rosa pero hindi ko pala na-post noon. Sa ground floor ng SM Lanang kami nagkita kay may kailangan ako idiscuss sa kanya,” saad ni Torreon.
Dagdag pa niya, “Pakireview po Ng post ko kung meron ba ako sinabi na nagkita kami bago lang, eh wala naman. Mensahe ko lang para sa kanya ang sinabi ko doon.”
Pinag-usapan kasi kamakailan ang social media post ni Torreon noong Disyembre 17 kung saan makikita ang video at picture nila ni Bato sa parehong lokasyon ng mall.
Sa caption, nagpahayag ng suporta at pag-iingat si Atty. Torreon para sa kliyente. Aniya, "Senator, laban lang tayo para sa bayan natin ito. Hinahunting ka pa rin Senator, ingat palagi ha."
Maki-Balita: 'Hina-hunting ka pa rin!' Atty. Torreon flinex moments sa kliyenteng si Sen. Bato
Matatandaang may naghihintay na arrest warrant kay Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkakasangkot niya sa giyera kontra droga sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan, nakabantay na umano ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa galaw ng senador ayon sa kalihim nitong si Jonvic Remulla.
Kaugnay na Balita: Lokasyon, galaw ni Sen. Bato, minomonitor ng DILG