Muling nakalkal sa social media ang usap-usapang birthday wish ng beteranong mamamahayag na si Kara David.
Ayon sa netizens, tila nagiging epektibo na raw ang naturang birthday wish ni Kara David laban sa mga sangkot sa korapsyon.
Noong Setyembre 2025 nang unang mag-viral ang video ng 52nd birthday celebration ni Kara kung saan hiniling niyang mamatay na raw ang lahat ng mga korap.
"Wish... sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!" sabay hipan sa mga nakasinding kandila sa ibabaw ng kaniyang cake.
KAUGNAY NA BALITA: 'Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!' birthday wish ni Kara David
Kaugnay nito, ibinala muli ng netizens ang wish ni Kara matapos ang pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.
Ayon sa mga ulat, na natagpuan umano ang katawan nito na “unconscious” at “unresponsive” malapit sa ilog ng Bued sa Tuba, Benguet matapos umanong mahulog sa bangin noong Huwebes ng gabi, Disyembre 18.
KAUGNAY NA BALITA: Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin
Kabilang si Cabral sa listahan ng mga opisyal ng DPWH na pinakakasuhan bago matapos ang taon dahil sa pagkakasangkot umano nito sa maanomalyang flood control projects.
Maki-Balita: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon
Kaya naman ‘ika ng netizens, ay tila nakakadalawa na raw si Kara mula nang sambitin ang nasabing birthday wish, nang pumanaw si dating Chief Legal Presidential Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile sa edad na 101 noong Nobyembre—na minsan na ring nasangkot sa Pork Barrel Scam.
“Kara David, in her era as Patron Saint of Birthday Wishes.”
“Next time paki-specify sila isa-isa, Ms. Kara! Nahirapan mag-assess yung tagasundo kung sino mauuna eh.”
“Gawin mo na ding christmas wish madam!”
“Ikaw lang pala magiging sagot Kara David.”
“Next wish mo, mag-demand ka na sino dapat unahin.”
“Nakaka Dalawa kana Kara David a thousand official more left .”
“Mas nagiging malinaw mga namatay sa wish mo, kesa sa mga nakukulong hahaha”
“Slowly but surely ang atake ng wish.”