December 19, 2025

Home BALITA National

‘Listahan ng proponents ng DPWH insertions, nasa computer ni Cabral!’—Rep. Leandro Leviste

‘Listahan ng proponents ng DPWH insertions, nasa computer ni Cabral!’—Rep. Leandro Leviste
Photo courtesy: Leandro Legarda Leviste (FB), MB FILE PHOTO

Isiniwalat sa publiko ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na mayroon daw listahan si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral ng lahat ng proponents ng DPWH insertions. 

Ayon sa naging pahayag ni Leviste sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Disyembre 19, sinabi niyang matatapos daw ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects kung mailalabas ang sinabi niyang listahan. 

“May listahan sa computer ni yumaong USec Cabral ng lahat ng proponents ng DPWH insertion,” mababasa sa post ng congressman. 

Photo courtesy: Leandro Legarda Leviste (FB)

Photo courtesy: Leandro Legarda Leviste (FB) 

National

MMDA Chair Artes, winelcome si ex-PNP Chief Gen. Torre bilang bagong MMDA General Manager

Dagdag pa niya, “May iilang may kopya nito. Kung lumabas lang ito, tapos na ang mga imbestigasyon.” 

Kaugnay nito, matatandaang kinumpirma na ng mga awtoridad ang pagpanaw ni Cabral nitong Biyernes ng madaling araw, Disyembre 19, 2025.

MAKI-BALITA: Ex-DPWH Usec. Cabral, pumanaw na

Ito ay matapos maiulat na natagpuan umano ang katawan ni Cabral na “unconscious” at “unresponsive” malapit sa ilog ng Bued sa Tuba, Benguet matapos umanong mahulog sa bangin noong Huwebes ng gabi, Disyembre 18.

Bandang 8:00 p.m., natagpuang walang malay si Cabral sa naturang ilog na matapos mahulog umano sa bangin na tinatayang nasa 20 hanggang 30 metro ang lalim.

MAKI-BALITA: ICI, nais paimbestigahan pagkamatay ni Ex-DPWH Usec. Cabral para matiyak na walang 'foul-play'

MAKI-BALITA: 'Di malabong isa-isahin kayo!' Rowena Guanzon, hinikayat iba pang sangkot sa korapsyon na magsalita na

Mc Vincent Mirabuna/Balita