Nagbigay na rin ng sentimyento si Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila De Lima kaugnay sa pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.
Pumanaw si Cabral nitong Biyernes ng madaling araw, Disyembre 19, matapos umanong mahulog sa bangin na may lalim na aabot sa 20 hanggang 30 metro, malapit sa ilog ng Bued sa Tuba, Benguet.
MAKI-BALITA: Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin-Balita
KAUGNAY NA BALITA: Palasyo, nakiramay sa pagkamatay ni ex-DPWH Usec. Cabral-Balita
Sa ibinahaging social media post ni De Lima nitong Biyernes, Disyembre 19, mababasa ang pakikiramay ng mambabatas sa biglaang pagpanaw ni Cabral. Aniya, ang pagkamatay nito ay nagpapahiwatig ng labis na suspisyon kaugnay sa imbestigasyon ng katiwalian at anomalya sa flood control projects.
“We extend our condolences to the family of former DPWH Usec. Maria Catalina Cabral. Amid the ongoing investigations into the massive corruption in which she has been implicated, her death invites great suspicion,” panimula ni De Lima.
Dagdag pa niya, “The death of Cabral can benefit a lot of people. Needless to state, it adversely impacts, to a large degree, the ongoing flood control investigation because now, everything might be pinned on Cabral as the mastermind.”
Giit ngayon ni De Lima, dapat na ito ay masusing maimbestigahan ng awtoridad, at hindi dapat maging “dead end” na lamang ng mga imbestigasyong may kinalaman sa flood control scam at korapsyon.
“This should be thoroughly investigated by the authorities, especially by the NBI. Cabral's residence, documents, and other personal effects should be applied for a seizure warrant and immediately secured by the authorities,” aniya.
“Hindi ito dapat maging dead end ng mga imbestigasyon. Mabilis na ring kumikilos ang mastermind o mga mastermind at sindikato para makalusot sa pandarambong kaya wala dapat sayanging oras ang mga kinauukulan sa paghahanap at pagprotekta sa mga ebidensya at sa pagpapanagot sa lahat ng sangkot,” pagtatapos niya.
Matatandaang isa si Cabral sa mga nirekomendang kasuhan bago matapos ang 2026, kaugnay sa pagkakasangkot niya sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
MAKI-BALITA: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA