Bumwelta mismo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa bansag na ang Pilipinas umano ay training hotspot para sa mga terorista.
Sa talumpati niya sa ginanap na 90th anniversary ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes, Disyembre 19, tinanggi ni Marcos, Jr. ang mapanirang paglalarawan sa bansa.
"We also reject in the strongest terms the recent misleading claim that portrays our country as a training hotspot for terrorism,” anang pangulo.
Dagdag pa niya, “For years, we've acted decisively to dismantle the terrorist network; to secure communities and sustain our hard-earned peace.”
Gayunman, mananatili pa ring mapagbantay ang pamahalaan. Hindi umano nila hahayaang maging sagabal ang ganitong mga mapanlinlang na naratibo.
Ito ay matapos ilagay ng ilang foreign media outlet sa kanilang mga ulat na “ISIS training hotspot” at “terror hotspot” umano ang Pilipinas.
Kaugnay ito sa pag-atake ng mag-amang suspek sa isang Jewish event sa Bondi Beach, Sydney, Australia kamakailan.
Maki-Balita: 'The President strongly rejects!' Palasyo, binuweltahan 'terror hotspot' label ng ilang foreign media sa Pilipinas
Matatandaang kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nanggling ang dalawa sa Pilipinas noong Nobyembre bago tumuloy sa Sydney.
Maki-Balita: 2 suspek sa pamamaril sa Sydney, nagtungo sa Pinas noong Nobyembre—BI