January 17, 2026

Home BALITA National

Ex-DPWH Usec. Cabral, pumanaw na

Ex-DPWH Usec. Cabral, pumanaw na
courtesy: House of Representatives/FB

Kinumpirma na ng mga awtoridad ang pagpanaw ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral nitong Biyernes ng madaling araw, Disyembre 19, 2025.

Ito ay matapos maiulat na natagpuan umano ang katawan ni Cabral na “unconscious” at “unresponsive” malapit sa ilog ng Bued sa Tuba, Benguet matapos umanong mahulog sa bangin noong Huwebes ng gabi, Disyembre 18.

Batay sa mga ulat, sinabi ng Benguet Provincial Police Office na kasama ni Cabral ang kaniyang driver na bumibiyahe sa Kennon Road patungong La Union bandang 3:00 p.m.

Pinatigil umano ni Cabral ang driver sa Maramal, Camp 5 para hilingin iwan siya nito doon.

National

‘Luminous writers, may kaugnayan sa taong may kilalang assassin, nagbabanta sa Pangulo, atbp!’—Usec. Claire

Sinunod ng driver ang utos at nagtungo sa malapit na gasolinahan.

Ngunit pagbalik ng driver, wala na ang amo niya sa nasabing lokasyon bandang 5:00 p.m. Kaya pagpatak ng 7:00 p.m. humingi siya ng tulong sa mga pulis.

Bandang 8:00 p.m., natagpuang walang malay si Cabral sa naturang ilog na matapos mahulog umano sa bangin na tinatayang nasa 20 hanggang 30 metro ang lalim.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nito ring Biyernes ng madaling araw, dinala na sa punerarya ang mga labi ng dating opisyal ng DPWH. 

Samantala, inatasan ng Ombudsman ang mga awtoridad sa Benguet na ipreserba ang mga cellphone at iba pang gadget ni Cabral. 

Matatandaang kabilang si Cabral sa listahan ng mga opisyal ng DPWH na pinakakasuhan bago matapos ang taon dahil sa pagkakasangkot umano nito sa maanomalyang flood control projects. 

Maki-Balita: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon