December 19, 2025

Home BALITA

Ex-DPWH Usec. Cabral, minsan nang inamin ang takot niya sa heights!

Ex-DPWH Usec. Cabral, minsan nang inamin ang takot niya sa heights!
Photo courtesy: screengrab froim D C Design and Cosntruction Magazine/FB

Isang 2018 magazine interview kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral ang umusbong sa social media, kasunod ng kontrobersiya sa kaniyang pagpanaw.

Taong 2018 nang makapanayam ng isang construction magazine si Cabral para sa kanilang magazine issue para sa buwan ng Abril hanggang Hunyo na nagtatampok sa mga kababaihan sa larangan ng design, building and construction.

Sa naturang interview, ibinahagi ni Cabral ang ilang personal na detalye sa kaniyang buhay, kabilang na ang ngayo'y tila konektado umano sa kaniyang pagkamatay.

Nang tanungin kasi ng naturang interview kung ano ang phobia ng dating DPWH official, sagot niya, "Heights."

National

Atty. Nicholas Kaufman, kumontra sa 'fit to trial' na resulta ng medical experts kay FPRRD

Matatandaang kinumpirma ng Benguet Provincial Police Office ang pagpanaw ng ginang bandang 12:03 ng madaling araw matapos maiulat na natagpuan umano ang katawan nito na “unconscious” at “unresponsive” malapit sa ilog ng Bued sa Tuba, Benguet matapos umanong mahulog sa bangin noong Huwebes ng gabi, Disyembre 18.

KAUGNAY NA BALITA: Maki-Balita: Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin

Kaugnay pa ng naturang interview, inilahad din ni Cabral ang tatlong salitang naglalarawan daw sa kaniya.

"Oh... workaholic, sensitive and strong woman," saad ni Cabral.

Natanong din kay Cabral kung ano ang hindi raw alam ng mga tao tungkol sa kaniya. 

"I'm a senstive person," pagbabahagi niya. 

Hinggil naman sa kung ano raw ang maipapayo ni Cabral sa kaniyang teenage self noon, sagot niya, "Never regret anything that you do." 

Samantala, ipinag-utos na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang malalimang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni Cabral.

KAUGNAY NA BALITA: ICI, nais paimbestigahan pagkamatay ni Ex-DPWH Usec. Cabral para matiyak na walang 'foul-play'

Kabilang si Cabral sa listahan ng mga opisyal ng DPWH na pinakakasuhan bago matapos ang taon dahil sa pagkakasangkot umano nito sa maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon