December 19, 2025

Home BALITA

‘Di ko alam na ganoon mangyayari!' Driver ni ex-DPWH Usec. Cabral, nagkomento sa pagpanaw ng amo

‘Di ko alam na ganoon mangyayari!' Driver ni ex-DPWH Usec. Cabral, nagkomento sa pagpanaw ng amo
Photo courtesy: Contributed photo

Hindi umano inakala ng driver ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral  ang sasapitin ng kaniyang amo.

Maki-Balita: ICI, nais paimbestigahan pagkamatay ni Ex-DPWH Usec. Cabral para matiyak na walang 'foul-play'

Sa panayam ng media sa driver ni Cabral, iginiit niyang wala naman umanong nakuwento sa kaniya ang kaniyang amo kung may problema itong pinagdadaanan.

“Pagdating po dito ng alas-tres, bumaba po siya, nagpaiwan sa akin. Bago po naman iwan, nakaupo po siya sa may bato tas sabi n'ya balikan ko na lang siya. Pagbalik ko po siguro one hour, binalikan ko po wala na dito,” anang driver ni Cabral.

‘Noon pa raw?’ Atty. Torreon, kinlaro flinex na pictures nila ni Sen. Bato

“'Di ko naman po alam na ganoon ang mangyayari,” saad niya.

Aniya “Wala naman po siyang kinukwento sa akin na kung mayroon siyang problema. Wala naman po siyang kinukwento sa akin.”

Emosyonal din ang nasabing driver nang makita na raw niyang iniahon mula sa bangin ang bangkay ng amo niya.

“Naiyak na lang po ako, hindi ko po akalaing gagawin niya po yun.  Kasi kahit drivber lang po ako, may tiwala po ako sa kaniya,” saad niya.

Matatandaang kinumpirma ng Benguet Provincial Police Office ang pagpanaw ng ginang bandang 12:03 ng madaling araw matapos maiulat na natagpuan umano ang katawan nito na “unconscious” at “unresponsive” malapit sa ilog ng Bued sa Tuba, Benguet matapos umanong mahulog sa bangin noong Huwebes ng gabi, Disyembre 18.

Maki-Balita: Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin