December 19, 2025

Home BALITA

Christmas wish ni Usec. Castro: Mawala ang mga obstructionist, social destabilizer

Christmas wish ni Usec. Castro: Mawala ang mga obstructionist, social destabilizer
Photo Courtesy: PCO (FB), Pexels

Inusisa si Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro tungkol sa kaniyang Christmas wish ngayong taon.

Sa panayam ng mga reporter matapos ang regular press briefing niya nitong Biyernes, Disyembre 19, sinabi niyang gusto raw niyang maging maayos ang Pilipinas.

“Ang Christmas wish ko, sana wala nang obstructionist saka destabilizers. Maging maayos ang Pilipinas, magtulong-tulong para sa mga kababayan natin. ‘Yon lang,” saad ni Castro.

Matatandaang umugong noong mga nakaraang buwan ang bali-balitang nagbabalak umano ang ilang indibidwal at grupo na magkasa ng kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Padilla, pinapaawat muna pasiklaban ng mga pahayag sa pagpanaw ni Cabral

Ito ay sa gitna ng talamak na korupisyon sa gobyerno dahil sa maanomalyang flood control projects.

Ngunit nanindigan naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatiling tapat sa tungkulin at Konstitusyon.

“We remain professional. So, disiplinado po ‘yong ating mga sundalo. Kaya itong mga nananawagan po na sumama ang mga sundalo sa mga rallies, o kaya sa mga panawagan nila ng kudeta, ‘wag na po kayong umasa,” saad ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner, Jr. sa isang panayam noong Nobyembre.

Maki-Balita: Brawner sa mga umuudyok sa AFP na mag-kudeta: ‘Wag na po kayong umasa!’