December 19, 2025

Home BALITA

'Buhay o patay!' imbestigasyon sa mga sangkot sa flood control mess, gugulong pa rin—DILG Sec. Remulla

'Buhay o patay!' imbestigasyon sa mga sangkot sa flood control mess, gugulong pa rin—DILG Sec. Remulla

Siniguro ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na mapapanagot pa rin daw ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, buhay man o pumanaw man ang mga ito.

Sa kaniyang press briefing nitong Biyernes, Disyembre 19, 2025, iginiit ni Remulla na hindi raw poprotektahan ng kamatayan ang mga kasong dapat harapin at kinahaharap pa ng lahat ng mga akusado.

“Let me be clear. Ang pagkamatay ng isang tao ay hindi ibig sabihin na titigil ang gulong ng hustisya. Hahabulin namin ang lahat ng taong 'yan, buhay o patay,” anang DILG Secretary.

Dagdag pa niya, “Kung anumang mayroong ebidensya, kukunin pa rin ng gobyerno ang lahat ng hakbang na nakilangan para maibalik sa taong Pilipino ang pera na ninakaw.”

'Susunod na ba ako?' Congressmeow, napamura sa pagkamatay ni ex-DPWH Usec. Cabral

Mensahe pa ni Remulla para sa lahat ng mga sangkot sa anomaya at korapsyon ng nasabing proyekto, “Kaya sa lahat ng mga akusado, mag-isip-isip kayo. Death will not protect you... face off to the charges. Man up to the charges. Answer all the charges .”

Inilabas ni Remulla ang nasabing pahayag, kasunod ng kontrobersyal na pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral na kabilang din sa mga nasasangkot sa flood control scandal.

Matatandaang kinumpirma ng Benguet Provincial Police Office ang pagpanaw ng ginang bandang 12:03 ng madaling araw matapos maiulat na natagpuan umano ang katawan nito na “unconscious” at “unresponsive” malapit sa ilog ng Bued sa Tuba, Benguet matapos umanong mahulog sa bangin noong Huwebes ng gabi, Disyembre 18.

KAUGNAY NA BALITA: Maki-Balita: Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin

Bunsod nito, ipinag-utos din ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang malalimang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni Cabral at ang pagrekober sa mga gadgets niya upang mai-turnover sa mga awtoridad.

KAUGNAY NA BALITA: ICI, nais paimbestigahan pagkamatay ni Ex-DPWH Usec. Cabral para matiyak na walang 'foul-play'