December 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Sinabi lang na mahal na mahal nagbalikan na?'—Jellie Aw

'Sinabi lang na mahal na mahal nagbalikan na?'—Jellie Aw
Photo courtesy: Jellie Aw (IG/FB)

Tila may sagot ang DJ/social media personaity na si Jellie Aw sa mga nang-iintriga kung nagkapatawaran at nagkabalikan na nga ba sila ng ex-boyfriend na si Jam Ignacio, na inireklamo niya ng pambubugbog at pananakit sa kaniya noong Pebrero.

Pinagpiyestahan kasi ng mga netizen ang pag-share ni Jam sa larawan ni Jellie sa kaniyang Instagram story, na tila nagpapahiwatig daw ng umano'y pagbabalikan nilang dalawa bilang magkarelasyon.

Kaugnay na Balita: Matapos ang bugbugan: Jam Ignacio at Jellie Aw, nagkabalikan?

Matatandaang noong Pebrero, umani ng atensyon ang ang "bugbugan issue" sa pagitan nilang dalawa nang ibahagi ni Jellie ang mga larawan ng sarili niyang mukha na umano’y binugbog sa loob ng sasakyan ng noo'y karelasyong si Jam, na ex-boyfriend naman ng TV host-actress na si Karla Estrada.

Tsika at Intriga

‘Ano yon itatapon ko lang pera ko?’ Vice Ganda, hindi bet tumakbo sa politika

Pormal ding nagsampa ng reklamo laban kay Jam si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng insidenteng iyon.

Hindi naglaon, humingi ng tawad si Jam kay Jellie at umapela para sa pagkakaayos ng relasyon nila.

Bago matapos ang 2025, nito ngang Disyembre, nagulantang ang mga netizen sa pagbabahagi ni Jam sa larawan ni Jellie.

Mababasa sa text caption ng larawan, “Shout out sa tao hindi ako iniwan. Alam mo yan kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita.”

Agad namang pinuntahan at sinilip ng mga netizen ang social media account ni Jellie.

Tila mas tumibay pa ang espekulasyon ng mga netizen na muli silang nagkabalikan at nagkapatawaran dahil sa post ni Jellie.

Mababasa, "kakatuwa dami nyong Time sa buhay ko, kung c Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak nya lang?"

Kaugnay na Balita: 'Kung si Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak N'ya lang?'—Jellie Aw

Ang sumunod na mga talata ay para naman sa pamimigay niya ng pang-Noche Buena sa sampung mapipiling followers niya.

"GOOD MORNING! GUSTO KO LANG NAMAN MAMIGAY NG GCASH & MAGSHARE NG BLESSING PANG DAGDAG SA NOCHE BUENA BAKIT G NA G YUNG IBA? MASAMA PO BANG MAGPATAWAD?" aniya pa sa isa pang Facebook post.

Sumunod, ibinahagi pa ni Jellie ang Facebook post ng isang netizen, kung saan mapapanood ang clip mula sa music video ng awitin ni Britney Spears na "Baby One More Time."

Kaugnay na Balita: Jellie Aw, napa-Britney Spears na lang: 'Hit me baby, one more time!'

Iyan daw kasi ang tila "peg" ngayon ni Jellie matapos ang usap-usapang umano'y pakikipagmabutihan ulit kay Jam.

Sumunod, mababasa pa sa post ni Jellie, "Sinabi lang na mahal na mahal nagbalikan na?"

Sa isa pang video post, sinabi ni Jellie na huwag daw mag-alala ang mga netizen dahil buhay na buhay pa siya.

Hanggang sa kasalukuyan, walang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Jam at Jellie kung magsisilbing kumpirmasyon ito ng tunay na pagbabalikan, o simpleng pagpapahayag lamang ng damdamin ni Jam sa publiko.