January 06, 2026

Home BALITA National

PBBM, personal na namahagi ng hot meals, regalo sa masa sa Pasay City

PBBM, personal na namahagi ng hot meals, regalo sa masa sa Pasay City
Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos (FB)

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang pamamahagi ng pansamantala umanong tahanan at mainit na pagkain sa masa sa isang gusali sa Pasay City. 

Ayon sa ibinahaging mga larawan ng Pangulo sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Disyembre 17, makikita ang personal niyang pagbibigay ng pagkain sa mga tao. 

“Ngayong Pasko, pinaaalala natin na ang tunay na diwa ng selebrasyon ay ang pag-aalaga sa kapwa,” mababasa sa simula ng caption sa nasabing post ng Pangulo. 

Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos (FB)

Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos (FB)

National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

Pagpapatuloy ni PBBM, kaugnay umano iyon ng programa nilang Walang Gutom Kitchen upang matiyak na may masasandalan ang bawat Pilipino. 

“Sa pamamagitan ng pansamantalang tahanan at mainit na pagkain mula sa Walang Gutom Kitchen, tinitiyak nating may masasandalan ang bawat Pilipino,” saad niya. 

“Maligayang Pasko sa bawat pamilyang Pilipino,” pagtatapos pa ng Pangulo. 

Sa kabila nito, samu’t saring reaksyon naman mula sa netizens ang naglabasan kaugnay sa naturang mga larawan ni PBBM. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ng Pangulo:

“Nakakagaan makita na may kusinang tumutulong sa gutom ngayong December” 

“Sa sunod script Mag traffic enforcer na..” 

“Mainit na pagkain, mainit din ang puso” 

“Walang mapaglagyan yung tama ah. Hahahahahha” 

“Para may pang reels at pang post na” 

“Tamang pakain hirap kase kumain” 

“Haha plastekan lng tayo kase pasko”

“Kakain Ngayong araw bukas gutom ulit..” 

MAKI-BALITA: Bilang Pangulo at Commander-in-Chief: PBBM, ipinangako patuloy na modernisasyon ng AFP

MAKI-BALITA: 'The President strongly rejects!' Palasyo, binuweltahan 'terror hotspot' label ng ilang foreign media sa Pilipinas

Mc Vincent Mirabuna/Balita 

Inirerekomendang balita