Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang "random thoughts" ng Kapamilya star at "It's Showtime" host na si Anne Curtis, kung paano daw niresolba ng Singapore ang isyu ng korapsyon sa kanilang pamahalaan.
Mababasa sa X post ni Anne noong MIyerkules, Disyembre 17, na tila kinainggitan ni Anne ang naging paraan ng pamahalaan ng Singapore kung paano nila pinananagot ang mga opisyal ng pamahalaang napatunayang kurakot o nagsagawa ng katiwalian habang sila ay nakaposisyon.
Very relevant ito sa Pilipinas dahil nga hanggang sa kasalukuyan, pinag-uusapan pa rin at nakabantay ang taumbayan sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Hindi naman naiwasan ng aktres-TV host na maikumpara ang Singapore sa Pilipinas. Hindi raw kasi maitatangging "thriving" talaga ang Singapore lalo na pagdating sa magagandang imprastraktura.
Bagama't hindi pa rin nawawala ang korapsyon, at least daw, mabilis silang nahuhuli at napapanagot.
"Random thought whilst in Singapore - NAKAKAINGGIT SILA. Upon reading, corruption USED to be widespread until they had leader, Lee Kuan Yew, who had zero tolerance policy for corruption."
"Cut to this day, Singapore is thriving. A beautifully developed city, smooth roads, a gorgeous airport, proper public transportation, stunning infrastructure and yet I still see green around the city."
"Although, after reading, the temptation of greed from officials are still there BUT once they are caught they are punished immediately," aniya.
Kaya naman, tila naihambing niya ito sa mga nangyayari sa bansa, lalo na't wala pa sa mga tinatawag na "big fish" na sangkot sa katiwalian ng flood control ang napapanagot.
Dagdag pa ni Anne, panalangin niyang sana raw ay magkaisa ang mga botante na isang araw, bumoto ng isang lider na wawakasan at lalabanan ang katiwalian, para sa bansa; hindi man ngayon makita ang resulta, pero para sa mga susunod na henerasyon.
"Paano na tayo Pilipinas? Ano na kaya mangyayari? I pray so hard we will all collectively vote for a leader who will want to fight corruption one day. "
"Sana talaga. Sayang ... Pilipinas. We have beautiful mountains, the best beaches and islands in the world (for me) GREED has stolen the opportunity for this country to reach its FULL beautiful potential. sana.. Sana talaga one day. Maybe not in my lifetime but I pray for all the future filipinos. But we have to stand up for that now. Haaaaay. Naiiyak ako," aniya pa.
Photo courtesy: Screenshot from Anne Curtis-Smith/X
Sa isa pang X post, nag-react naman si Anne sa isang netizen na nagsabing huwag kukurap at bantayan ng mga Pilipino ang nangyayaring budget deliberation ng bicameral conference committee para sa 2026.
Ibinahagi ng nabanggit na netizen ang art card na mababasa ang mensaheng "No Filipino Should Have To Beg For Healthcare."
"Dami pala pera ng pilipinas noh? But all the budget that should have been towards healthcare or education eh napunta sa luxury cars, houses and I’m sure that money is in offshore accounts now."
Photo courtesy: Screenshot from Anne Curtis-Smith/X
"So sad that we will never be able to get that money back. So sad that it will never be used for the better of the people noh?" banat pa ni Anne, na isa rin sa mga aktibong celebrity na nakilahok sa unang Trillion Peso March kontra korapsyon.
Kaugnay na Balita: Anne Curtis, nag-react dahil wala pang nakukulong na ‘big fish’ ng korapsyon
Kaugnay na Balita: Anne sa pagkulong sa mga kurakot: 'I can't believe it's taking this long, what a joke!'