December 19, 2025

Home SPORTS

New coach yarn? SILG Remulla, niratrat ng netizens matapos aluin UP Fighting Maroons sa UAAP Finals

New coach yarn? SILG Remulla, niratrat ng netizens matapos aluin UP Fighting Maroons sa UAAP Finals
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, ABS-CBN News (FB)

Sangkatutak na batikos mula sa netizens ang natanggap ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa pagbibigay niya ng mensahe sa mga player ng UP Fighting Maroons matapos ang pagkatalo nila kontra sa De La Salle Green Archers sa Season 88 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball finals. 

Ayon sa ibinahaging video ng ABS-CBN News sa kanilang Facebook page noong Huwebes, Disyembre 17, mapapanood ang pag-alo ni Remulla sa mga player ng Fighting Maroons. 

Screenshot from ABS-CBN News (FB)

Screenshot from ABS-CBN News (FB)

Tila hindi naman natuwa ang netizens sa naturang video at umano ito ng samu't saring reaksyon sa publiko. 

'Matagal ko nang pinapangarap ‘yon!' Alex Eala, naging emosyonal nang tugtugin Lupang Hinirang sa 2025 SEA Games

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post:

“Newly hired na coach hahhaha” 

“Kaya ntalo may MALAS” 

“Kots kna din?” 

“Kaya pla natalo” 

“National Main Character” 

“Epal ampt or qpal yarn” 

“Maingay pla yan, nung nasa rally kala mo pipi” 

“Ndi lng xa dilg sec Coach din xa” 

“Signature pose muna ser” 

“Wag kayo mag alala namimirata na ulit ako sa ibang teams” 

“The Untouchable Coach hehehe” 

Ayon naman sa tala ng Province of Cavite sa kanilang website, nagtapos ng kursong Philosophy si Remulla sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). 

Kaugnay nito, naganap ang nasabing laban ng UP Fighting Maroons kontra sa La Salle Green Archers noon ding Huwebes, Disyembre 17, 2025, sa Araneta Coliseum sa Cubao. 

Wagi ang Green Archers sa score na 80-72, best-of-three ng UAAP Season 88 finals. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita