Ibinahagi ng kasalukuyang world no. 53 sa Women’s Tennis Association (WTA) na si Alex Eala ang naging dahilan ng kaniyang pagiging emosyonal habang kinakanta ang Lupang Hinirang matapos niyang manalo ng gintong medalya sa women's singles tennis sa Southeast Asian Games 2025.
Ayon sa naging pahayag ni Eala nitong Huwebes, Disyembre 18, sinabi niyang matagal na raw niyang pinapangarap ang tagpong iyon.
“I think ‘yan ‘yong pinakang nakakaiyak sa akin when they play Lupang Hinirang or any like the national anthem,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Parang matagal ko nang pinapangarap ‘yon na ako ‘yong makakadala ng ganoong pride sa Pilipinas. I’m so thankful, I’m so humbled to be able to represent our country.”
Bukod pa rito, nagkomento rin si Eala kung gaano kahalaga ang napanalunang medalya sa kaniya at pamilya niya.
“It is so special. I’ve said many times before, ‘yong mga Pinoy, we’re so family oriented. I think that’s a part of our culture. SEA Games… I think it’s very different from the tour because it’s very personal to us. Personal to the Southeast Asian countries and it’s special in that way… Kaya ganoon siyang ka-importante at kahalaga sa aming pamilya,” paliwanag niya.
Matatandaang tagumpay ni Eala ang kaniyang unang gintong medalya sa women's singles tennis sa Southeast Asian Games ngayong 2025.
MAKI-BALITA: Alex Eala, nakamit unang ginto sa 2025 SEA Games!
Nakalaban ni Eala sa final ang kasalukuyang world no. 240 sa WTA at pambato ng Thailand na si Mananchaya Sawangkaew na ginanap sa Bangkok nitong Huwebes, Disyembre 18, 2025.
Malinis na trinabaho ni Eala ang naging paghaharap nila ni Sawangkaew sa score na 6-1 at 6-2.
Dahil dito, matagumpay na nakuha ni Eala ang unang ginto at ikatlong medalya sa pagsali sa SEA Games nang napanalunan niya ang dalawang bronze medal sa mixed doubles at women’s single event noong 2021.
MAKI-BALITA: Alex Eala, Francis Alcantara, laglag sa semis ng mixed double tournament ng 2025 SEA Games
MAKI-BALITA: 'Rising star at legend!' Alex Eala, naka-ensayo si Rafael Nadal
Mc Vincent Mirabuna/Balita