Natuklasan at nakunan ng isang wildlife photographer ang pinakamatanda at pinakamalaking koleksyon ng mga dinosaur footprint sa isang Italian national park kung saan gaganapin ang 2026 winter olympics.
Ayon sa mga ulat, ang mga footprint ay nagmula sa Triassic Period, humigit-kumulang 210 milyong taon na ang nakalilipas.
Ang mga footprint na natuklasan sa Stelvio National Park ay tinatayang aabot sa mahigit 20,000 ang bilang sa mahigit limang kilometro na malapit sa Swiss border, ayon sa mga eksperto.
“This time reality really surpasses fantasy," saad ni Cristiano Dal Sasso, isang paleontologist sa Milan Natural History Museum, na nakatanggap ng tawag mula sa maniniyot na si Elio Della Ferrera matapos matuklasan ang mga dinosaur footprint.
Ayon kay Dal Sasso, ang mga footprint ay pinaniniwalaang mula sa long-necked bipedal herbivores na may taas na 10 metro.
“There are very obvious traces of individuals that have walked at a slow, calm, quiet rhythmic pace, without running," anang paleontologist.
Kuwento naman ni Della Ferrera, nakatakda niyang kunan ng larawan ang mga usa at buwitre noong Setyembre nang matuklasan niya ang mga dinosaur footprint.
“The huge surprise was not so much in discovering the footprints, but in discovering such a huge quantity. There are really tens of thousands of prints up there, more or less well-preserved," saad ni Della Ferrera.