December 21, 2025

Home BALITA National

'Fresh bloods!' DPWH, sisimulan 'massive recruitment' sa mga unibersidad, kolehiyo sa 2026

'Fresh bloods!' DPWH, sisimulan 'massive recruitment' sa mga unibersidad, kolehiyo sa 2026
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inanunsyo sa publiko ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na plano nilang magsagawa ng “massive recruitment” mula sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa mula Enero 2026. 

Ayon sa isinagawang year-end press conference ni Dizon nitong Huwebes, Disyembre 18, ibinahagi niyang mahigit dalawang taon na lang ang kaniyang magiging termino sa ahensya ng DPWH at plano raw nilang magpasok ng “fresh blood” mula sa henerasyon ng mga kabataan. 

“Two na lang ako dito… matatapos na ang term ng ating Pangulo in two years or two and a half years… ‘yon na lang din ang term ko dito, maximum,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niiya, “Pero sina Usec. Lara, DE Kenneth, ADE Paul, ‘yong mga bago nating hina-hire, matagal pa ang kanilang career… They are the next generation and it will be up to them where this agency will go.” 

National

‘Anong relasyon?’ Hotel na tinuluyan ni ex-Usec. Cabral, ibinenta umano kay Eric Yap

Ani Dizon, sisimulan daw nila ang nasabing recruitment sa iba’t ibang mga pamantasan sa bansa sa pagsapit ng Enero sa 2026. 

“That is why starting January the DPWH is going to go in massive recruitment. Magkakaroon ng mga job fair sa mga eskwelahan mismo,” saad niya. 

“January, magsisimula na kami ng massive recruitment sa mga schools—sa UP, sa UST, sa La Salle, sa Ateneo, sa Mapua, sa FEU, PUP, UE, all over. Hindi lang sa Metro Manila kundi sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas,” paglilinaw pa niya. 

Patuloy ni Dizon, inaasahan nilang tutulong ang iba’t ibang mga unibersidad at kolehiyo sa bansa para ipaintindi sa mga batang henerasyon ng mga engineer at accountant na mahalaga ang kanilang partisipasyon sa binubuong reporma ngayon ng DPWH. 

“Magre-recruit tayo ng mga engineer, mga accountant para talaga mag-infuse na tayo ng fresh bloods.” 

“I’m announcing this already today. Sa ating mga schools, hopefully you can help us recruit people and make people realize, especially the young generation, importante silang mag-participate dito sa reporma natin. The best way to participate in this reform effort of the DPWH is to join DPWH… Join us in this effort,” paghihikayat niya. 

Paliwanag pa ni Dizon, personal din daw siyang mag-iikot sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa para pangunahan ang nasabing massive recruitment ng kanilang ahensya. 

MAKI-BALITA: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon

MAKI-BALITA: ‘Minimal disruption!’ DPWH, sisimulan na 8 buwang EDSA rehab sa bisperas ng Pasko

Mc Vincent Mirabuna/Balita