January 11, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Dami pala pera ng Pilipinas no?' Anne Curtis, nanghinayang sa kinurakot na budget ng bansa

'Dami pala pera ng Pilipinas no?' Anne Curtis, nanghinayang sa kinurakot na budget ng bansa
Photo courtesy: via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang aktres at TV host na si Anne Curtis sa isang X post ng netizen na si Cleve V. Arguelles kaugnay ng isinusulong na mga isyu sa 2026 national budget deliberations, partikular sa pondong inilaan para sa sektor ng kalusugan.

Sa naturang post, binatikos ni Arguelles ang umano’y patuloy na sistema kung saan kinakailangan pang dumaan sa mga politiko ang mga Pilipino upang makakuha ng serbisyong pangkalusugan.

Aniya, dapat nang ihinto ang paglalagak ng pondo sa mga mambabatas at sa halip ay direktang ilaan ito sa PhilHealth at mga ospital.

“Walang kukurap habang nagpapatuloy ang 2026 budget deliberations sa BiCam! Some lawmakers are still shamelessly defending a system where Filipinos must go through politicians to access healthcare. The fix is simple: stop parking health funds with congressmen. Channel them directly to PhilHealth and hospitals. Walang padrino, walang epal, walang utang na loob—healthcare is a right and it’s paid for by the Filipino people!” saad sa post ni Arguelles.

Tsika at Intriga

Dennis rumesbak para kay Jennylyn, mga magulang: 'Wag naman sana sila bigyan ng isyu!'

Hindi naman nanahimik si Anne Curtis at naglabas ng saloobin sa isyu. Nirepost niya ang nabanggit na post at nagpahayag siya ng pagkadismaya sa umano’y maling paglalaan ng pondo ng pamahalaan, na napupunta lang daw sa bulsa ng mga kurakot na opisyal.

“Dami pala pera ng Pilipinas noh? But all the budget that should have been towards healthcare or education eh napunta sa luxury cars, houses and I’m sure that money is in offshore accounts now. So sad that we will never be able to get that money back. So sad that it will never be used for the better of the people noh?” pahayag ni Anne.

Photo courtesy: Screenshot from Anne Curtis/X

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens ang pahayag ng aktres, kung saan marami ang sumang-ayon sa kanyang sentimyento at nanawagan ng mas malinaw at tapat na paggamit ng pondo ng bayan, lalo na para sa mga pangunahing serbisyong tulad ng kalusugan at edukasyon.

Bago nito, naglabas rin ng saloobin ang aktres-TV host hinggil naman sa pagkainggit niya sa Singapore, kung paani nila pinapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa korapsyon.

"Random thought whilst in Singapore - NAKAKAINGGIT SILA. Upon reading, corruption USED to be widespread until they had leader, Lee Kuan Yew, who had zero tolerance policy for corruption."

"Cut to this day, Singapore is thriving. A beautifully developed city, smooth roads, a gorgeous airport, proper public transportation, stunning infrastructure and yet I still see green around the city."

"Although, after reading, the temptation of greed from officials are still there BUT once they are caught they are punished immediately," aniya.

Kaya naman, tila naihambing niya ito sa mga nangyayari sa bansa, lalo na't wala pa sa mga tinatawag na "big fish" na sangkot sa katiwalian ng flood control ang napapanagot.

Dagdag pa ni Anne, panalangin niyang sana raw ay magkaisa ang mga botante na isang araw, bumoto ng isang lider na wawakasan at lalabanan ang katiwalian, para sa bansa; hindi man ngayon makita ang resulta, pero para sa mga susunod na henerasyon.

"Paano na tayo Pilipinas? Ano na kaya mangyayari? I pray so hard we will all collectively vote for a leader who will want to fight corruption one day. "

"Sana talaga. Sayang ... Pilipinas. We have beautiful mountains, the best beaches and islands in the world (for me) GREED has stolen the opportunity for this country to reach its FULL beautiful potential. sana.. Sana talaga one day. Maybe not in my lifetime but I pray for all the future filipinos. But we have to stand up for that now. Haaaaay. Naiiyak ako," aniya pa.

Kaugnay na Balita: 'Paano na tayo Pilipinas?' Anne Curtis, inggit sa Singapore sa pagpapanagot sa mga kurakot