May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Dalupiri Island sa Cagayan, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Dalupiri Island sa Cagayan, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
Photo courtesy: PHIVOLCS

Niyanig ng magnitude 5.2 ang Dalupiri Island Cagayan ngayong Huwebes, Disyembre 18. 

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang lindol bandang 3:28 PM ng hapon, sa Dalupiri Island (Calayan). 

Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar: 

Intensity I -  Laoag City, ILOCOS NORTE

Intensity II - Claveria, CAGAYAN 

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Samantala, habang walang naitalang pinsala matapos ang lindol, asahan daw ang aftershocks matapos ang naging paglindol.

Sean Antonio/BALITA