December 21, 2025

Home BALITA Internasyonal

Canadian government, naglabas ng ‘travel warning’ sa mga lokal nilang magta-travel sa Pilipinas

Canadian government, naglabas ng ‘travel warning’ sa mga lokal nilang magta-travel sa Pilipinas
Photo courtesy: Government of Canada (website)

Naglabas ng travel advisory warning ang Canadian Government kamakailan sa mga mamamayan nilang nais mag-travel sa bansa dahil sa mga umano’y kaso ng krimen, terorismo, at kidnapping. 

Sa travel website ng Canadian Government, nakataas ang “high degree of caution” sa mga rehiyon ng Luzon at Visayas, na nangangahulugan na maging mapagmatyag ang mga mamamayang papasok rito, palagiang pagbabantay ng mga balita sa media, at maagap na pagsunod sa awtoridad. 

Sa ilang probinsya naman sa Western Mindanao, inabiso ng Canadian Government ang lubos na pag-iwas sa pagpasok rito dahil sa umano’y banta ng terorismo, kidnapping, bayolenteng paglalabanan ng hukbong sandatahan at rebeldeng grupo, at mataas na antas ng krimen. 

Ang mga sumusunod ang partikular na probinsya ang binanggit ng Canadian Government: 

Internasyonal

3, patay sa 'knife attack' ng isang lalaki sa pampublikong lugar

Basilan

Cotabato

Lanao del Sur

Lanao del Norte

Maguindanao

Misamis Occidental

Sarangani

South Cotabato

Sultan Kudarat

Sulu

Tawi-Tawi

Zamboanga del Norte

Zamboanga del Sur

Zamboanga Sibugay

Sa mga probinsya naman sa bandang Central at Eastern Mindanao, nakataas ang abisong “non-essential” travel dahil sa umano’y mataas na kaso ng kidnapping at mga krimen. 

Ang mga sumusunod ang partikular na probinsya ang nasa ilalim ng nasabing advisory na ito: 

Agusan del Norte

Agusan del Sur

Bukidnon

Davao de Oro

Davao del Norte

Davao del Sur, excluding Davao City

Davao Occidental

Davao Oriental

Misamis Oriental

Surigao del Norte, excluding Siargao Island

Surigao del Sur

Base pa sa website, itinaas ng Canadian Government ang pinakamahigpit nilang babala sa isla ng Mindanao dahil sa aktibong presensiya ng extremist groups rito, partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Zamboanga Peninsula, at arkipelago ng Sulu. 

Narito din daw ang pagpapasabog ng mga bomba na nagdudulot ng pagmatay ng ilang residente at pagwasak ng mga bahay at establisyimento, partikular sa mga lugar ng Cotabato, General Santos, Isabela, Jolo, Kidapawan, Marawi, at Zamboanga. 

Para sa Canadian citizens na nais pa rin daw mag-travel sa rehiyon, ipinaalala ng kanilang pamahalaan ang ilang sumusunod na paalala: 

- Manatili sa loob ng kanilang tinitirhan hangga’t maaari. 

- Maging mapagmatyag sa kanilang paligid. - Iwasan ang matataong lugar. - Palaging dalhin ang kanilang travel documents kung lalabas. 

- Huminto sa security checkpoints. 

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag ang Malacañang hinggil sa travel advisory warning na ito. 

Sean Antonio/BALITA