December 19, 2025

Home SPORTS

Alex Eala, nakamit unang ginto sa 2025 SEA Games!

Alex Eala, nakamit unang ginto sa 2025 SEA Games!
Photo courtesy: POC (FB)

Matagumpay na nakamit ng kasalukuyang world no. 53 sa Women’s Tennis Association (WTA) na si Alex Eala ang kaniyang unang gintong medalya sa women's singles tennis sa Southeast Asian Games ngayong 2025. 

Nakalaban ni Eala sa final ang kasalukuyang world no. 240 sa WTA at pambato ng Thailand na si Mananchaya Sawangkaew na ginanap sa Bangkok nitong Huwebes, Disyembre 18, 2025. 

Malinis na trinabaho ni Eala ang naging paghaharap nila ni Sawangkaew sa score na 6-1 at 6-2. 

Dahil dito, matagumpay na nakuha ni Eala ang unang ginto at ikatlong medalya sa pagsali sa SEA Games nang napanalunan niya ang dalawang bronze medal sa mixed doubles at women’s single event noong 2021. 

'Matagal ko nang pinapangarap ‘yon!' Alex Eala, naging emosyonal nang tugtugin Lupang Hinirang sa 2025 SEA Games

Dahil dito, si Eala na ang ikatlong Pinay na nakakuha ng gintong medalya sa singles event ng tennis sa SEA Games sa loob ng 26 na taon mula noong 1981 nang manalo rin ng ginto si Pia Tamayo at Maricris Fernandez noong 1999. 

Bago nito, matatandang nabigo ang team-up nina Eala at Francis Casey Alcantara laban sa mga Thai na sina Patcharin Cheapchandej at Pawit Sornlaksup sa semifinals ng mixed doubles tournament ng 2025 Southeast Asian Games sa Thailand, Miyerkules.

MAKI-BALITA: Alex Eala, Francis Alcantara, laglag sa semis ng mixed double tournament ng 2025 SEA Games

Natalo sina Eala sa iskor na 7–5, 5–7, 7–10, dahilan upang makuntento sila sa bronze medal sa nasabing event.

Matapos ang laban, inamin ni Eala ang pagkadismaya sa resulta ngunit iginiit na ibinigay nila ang lahat sa kompetisyon.

MAKI-BALITA: 'Rising star at legend!' Alex Eala, naka-ensayo si Rafael Nadal

Mc Vincent Mirabuna/Balita