January 06, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?
Photo courtesy: Unsplash

Nakuha mo na ba ang 13th month pay mo? 

Para sa maraming Pinoy, ang holiday season ang “season of giving and sharing” dahil sa mga aguinaldo madalas naipapakita ang sukat ng kanilang pagmamahal at pagpapasalamat. 

Bilang parte ng tradisyon sa bansa, ibinabalot at idini-display ng mga pamilya ang kanilang mga regalo sa ilalim ng Christmas tree, habang sa mga manggagawang Pinoy, nakagawian nang makatanggap sila ng “13th Month Pay” mula sa kompanya o ahensyang pinagtatrabahuhan nila. 

Ayon sa ilang mga manggagawa, bukod sa sweldo ng Disyembre, sa 13th Month Pay nila nakukuha ang dagdag na pambili ng mga handa sa noche buena at media noche at pang-aguinaldo sa mga inaanak–na lahat ay pumapatong sa nakagawiang gastos dahil magastos talaga na maituturing ang holiday season. 

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

Dahil dito, ano nga ba ang 13th Month Pay at nasa batas ba ang pagbibigay nito? 

Ayon sa Labor Advisory No. 16, series of 2025 ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang 13th Month Pay ay ang itinakdang benepisyo ng pamahalaan para sa lahat ng empleyadong nakapagtrabaho nang kahit isang buwan sa loob ng isang taon. 

Saad pa ng ahensya, katumbas nito ang isang buwang basic salary ng isang empleyado o kaya’y 1/12 ng kabuuang basic salary na kinikita sa buong taon, para sa mga empleyadong na-hire sa kalagitnaan ng taon. 

Base pa sa lathala ng Labor Law, ang 13th-month Pay ay mandato ng Presidential Decree (P.D.) No. 851 o ang “13th Month Pay Law”, na ibinibigay sa lahat ng empleyado, anupaman ang posisyon at employment status nito. 

Ayon pa rito, layon ng 13th Month Pay Law na protektahan ang empleyado mula sa malawakang inflation sa buong mundo at para matulungan ang mga manggagawa na mas maayos nilang maipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon. 

Dahil nasa batas, kailan ba ito dapat ibinibigay ng kompanya o ahensya? 

Ayon sa batas, ang 13th Month Pay ay dapat ibinibigay sa mga empleyado bago o hanggang Disyembre 24, o bisperas ng Pasko. 

“All employers are hereby required to pay all their employees receiving a basic salary of not more than P1,000 a month, regardless of the nature of their employment, a 13th-month pay not later than December 24 of every year,” saad sa unang seksyon ng Labor Law. 

Ano ang mangyayari sa mga kompanya o ahensya na hindi magbibigay ng 13th Month Pay sa kanilang mga empleyado?

Ayon sa batas, ang mga kompanya o ahensya na hindi magbibigay ng 13th Month Pay sa mga empleyado nila ay maituturing na violation, kung kaya’t maaari itong patawan ng multa at karampatang parusa. 

“Adjudication of claims Non-payment of the thirteenth-month pay provided by the Decree and these rules shall be treated as money claims cases and shall be processed in accordance with the Rules Implementing the Labor Code of the Philippines and the Rules of the National Labor Relations Commission,”  saad sa section 9 ng Labor Law. 

“Prohibition against reduction or elimination of benefits Nothing herein shall be construed to authorize any employer to eliminate, or diminish in any way, supplements, or other employee benefits or favorable practice being enjoyed by the employee at the time of promulgation of this issuance,” dagdag pang probisyon nito sa section 10. 

Sean Antonio/BALITA 

Inirerekomendang balita