Sinibak sa puwesto ang 16 na pulis sa Dolores, Eastern Samar matapos mag-viral ang inuman nila sa loob ng presinto habang nagsasagawa ng Christmas party noong Disyembre 15.
Kinumpirma ni Police Lt. Col. Analiza Armeza, regional public information officer ng Police Regional Office-8, ang pagkakasibak sa puwesto ng 16 na pulis.
Binigyang-diin niya na ang pag-iinom sa loob ng presinto, partikular habang naka-duty sa oras ng Christmas party, ay malinaw na paglabag sa rules and regulations ng Philippine National Police.
Samantala, sa naunang pahayag ng PRO-8, sinabi nilang hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng "misconduct" ng kanilang kapulisan.
"PRO 8 emphasizes that it will not tolerate any form of misconduct committed by its personnel. Any violation of rules and regulations will be dealt with accordingly," mababasa kanilang pahayag.