Nagsalita ang Kapuso actor na si Benjamin Alves kaugnay sa ipinataw na 90-day license suspension at inilabas na show cause order (SCO) ng Land Transportation Office (LTO) laban sa pick-up driver na nanakit ng isang mangangariton kamakailan.
Sa isang social media post na ibinahagi ni Benjamin kamakailan, tahasan niyang sinabi na “katawa-tawa” ang ipinataw na suspensyon sa naturang drayber.
“90 day suspension for assault is laughable. A slap on the wrist for slapping somebody at the back of the head,” saad ni Benjamin sa kaniyang post.
“Show cause pag may kotse, dampot agad pag tulak ng kariton,” aniya.
Pagkuwestiyon tuloy ng aktor, “Why does this country make it so hard to live and work with dignity and respect despite one’s social [class?]”
Photo courtesy: Benjamin Alves/FB
Hindi tuloy napigilan ng netizens na ibigay ang kanilang mga komento at sentimyento kaugnay sa naging post ng aktor.
“Diba may tagline tayong "only in the Philipines"
“Only in the philippines: child trauma/physical abuse = 90 days suspension”
“Dpat nga revocation of license kasi maari magcause pa dn sya ng road rage s mga susunod. Masyado mainit ulo sa kalsada d nia desreve ang magkaroon ng lisensya”
“Mahirap maging mahirap sa pilipinas, Hindi ka kakampihan ng batas, Sabi nga sa kanta at ang HUSTISYA AY PARA LANG SA MAYAMAN.”
“Ang hirap makamit ang hustisya pra sa mga mahihirap”
“Dapat sa pinas yang mga ganyang pangyayari wala ng AREGLO , diretso na kaso. Kaya Hindi nag tatanda Ang mga tawong Yan kasi nagpapadala lng din sa areglo ang naaagrabyado.”
“Di sapat ang 90-day suspension sa ginawa ng driver sa mag-ama.”
Matapos ang pagputok ng isyu, inamin ng komedyanang si Pokwang na kapatid pala niya ang nanakit na drayber sa viral na video.
“May gusto lang po akong ipahiwatig. Totoo po 'yong nalaman n'yo tungkol do'n sa nag-viral na video na naka-Hilux na Toyotang puti. Opo, kapatid ko po 'yon. Galing, ano?” pag-amin ni Pokwang.
MAKI-BALITA: Pokwang, inaming utol ang nanapak sa amang nagkakariton-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA