December 18, 2025

Home BALITA Metro

Prusisyon ng Nazareno, nauwi sa rambol; menor de edad, nanaksak!

Prusisyon ng Nazareno, nauwi sa rambol; menor de edad, nanaksak!
Photo courtesy: Contributed photo

Nauwi sa rambol ang prusisyon ng Poong Nazareno matapos magkagulo ang grupo ng kabataan sa Tondo, Maynila.

Ayon sa mga ulat, tila nag-abang umano sa isang kanto ang isang grupo ng kabataan habang paparating ang prusisyon kung nasaan ang isa pang grupo.

Nahuli-cam naman ang nasabing rambol na sumiklab kung saan isang lalaking nakilahok lamang sa prusisyon ang nadamay sa pananaksak ng isang menor de edad.

Mapapanood sa kuha ng CCTV sa lugar na bahagyang nagkatulukan pa ang ilang kabataan kabilang ang biktima, at saka ito inundayan ng saksak patalikod.

Metro

‘Minimal disruption!’ DPWH, sisimulan na 8 buwang EDSA rehab sa bisperas ng Pasko

Batay sa paunang imbestigasyon, dati na raw may alitan ang dalawang grupo ng kabataan, na natiyempuhang hindi pinalampas kahit sa kalagitnaan ng prusisyon.

Samantala, nasa ospital na ang biktima na nasa kritikal na kondisyon matapos umanong magtamo ng saksak sa bahagi ng kaniyang likuran.

Sa panayam ng media sa ina ng suspek, nakahanda raw siyang isuko ang kaniyang anak sa mga awtoridad. Bukas din umano ang kanilang panig upang makipagtulungan sa kampo ng biktima.