January 26, 2026

Home SPORTS

'PH, this is for you!' EJ Obiena inalay 'historic' 4th SEA Games Gold Medal sa Pinas

'PH, this is for you!' EJ Obiena inalay 'historic' 4th SEA Games Gold Medal sa Pinas
Photo courtesy: ernestobienapv/IG


Masayang ibinahagi ng Filipino olympian at pole vaulter na si EJ Obiena na nasungkit niya ang ikaapat niyang gintong medalya sa Southeast Asian (SEA) Games.

Sa ibinahaging social media post ni Obiena nitong Miyerkules, Disyembre 17, “ugly win” daw ang pagkakapanalo niya sa naturang kompetisyon—ngunit iginiit na ito’y pagkakapanalo pa rin.

“Pilipinas , this is for you!!! Yesterday was the textbook definition of an ugly win, but a win nonetheless. 4th SEA Games and a new championship record. I’d take that any day of the week,” saad ni Obiena sa kaniyang post.

Ipinahayag niya rin ang kaniyang pagbati sa mga nakalabang atleta, lalo na ang mga pole vaulters na kapuwa niya nakasungkit ng medalya.“Tough battle with the boys, and I’m proud of them for boosting the region’s standard. Huge congratulations to @oatpatsapong for the new national record and @fly_with_eli for getting that [bronze medal]!!!” aniya pa.

Photo courtesy: ernestobienapv/IG

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman



Parehong nakapagtala ng 5.70 meters sina Obiena at ang Thailand bet na si Amsamang Patsapong, ngunit napasakamay ng Filipino olympian ang ginto via countback.

Nakamit naman ng kapuwa niya Pinoy vaulter na si Elijah Cole ang bronze matapos makapagtala ng 5.20 meters.

Sa kasalukuyan, nasa ikaanim na puwesto pa rin ang Pilipinas sa rankings ng 33rd SEA Games.

Vincent Gutierrez/BALITA